PANDAIGDIGANG ESTADISTIKA

Ang alkohol ay pumapatay ng mas maraming kabataan kumpara sa lahat ng ibang mga drogang pinagsama-sama. Isa itong salik sa tatlong nagungunang mga sanhi ng kamatayan sa mga 15 hanggang 24 taong gulang: mga aksidente,
mga pagpaslang at mga pagpapakamatay.

  • Ang mga kabataang umiinom ay 7.5 na beses na mas malamang na gumamit ng ibang ilegal na droga at 50 beses na ulit na mas malamang na gumamit ng cocaine kaysa sa mga kabataang kailanman ay hindi umiinom. Natuklasan ng isang sarbey na 32% ng mga matitinding manginginom na lagpas sa 12 na taong gulang ay
    mga gumagamit din ng ilegal na droga.
  • Noong 2005, 6.6% sa populasyon ng Estados Unidos na 12 taong gulang o higit pa, o 16 milyong tao, ang nag-uulat ng matinding pag-inom (binge drinking sa loob ng limang araw man lamang sa nakaraang 30 araw).
  • Sa 3.9 milyong Amerikanong nakapagpagamot para sa problema sa pag-abuso sa isang substansya noong 2005, 2.5 milyon sa kanila ay ginamot dahil sa paggamit ng alkohol.
  • Sa Estados Unidos, ang mga kamatayan sa trapikong pangkalsada na may kinalaman sa alkohol ay 12,998 noong 2007. Higit pa ito sa tatlong beses na kasindami ng mga sundalong Amerikanong namatay sa pakikidigma sa loob ng anim na taon ng digmaan sa Iraq.
  • Mayroong 1.4 milyong paghuli dahil sa pagmamaneho ng lasing sa Estados Unidos bawat taon.
  • Natuklasan ng isang pag-aaral ng Kagawaran ng Katarungan ng Estados Unidos na kasindami ng 40% ng mararahas na krimen ay nagaganap sa ilalim ng impluwensiya ng alkohol.
  • Noong 20052006, mayroong 187,640 na pagtanggap ng National Health System (Pambansang Sistema para sa Kalusugan) sa mga ospital sa Inglatera na may kinalaman sa alkohol.
  • Mayroong 6,570 mga kamatayan sa Inglatera noong 2005 mula sa mga sanhing direktang nauugnay sa paggamit ng alkohol. Noong 2006, ang mga kamatayang inugnay sa paggamit ng alkohol sa Inglatera ay umakyat sa 8,758. Umaabot ito sa taunang pagtaas na 7% mula noong nakaraang taon.
  • Ayon sa isang pag-aaral, sa 490 milyong tao sa European Union (Unyong Europeo), higit na 23 milyon ang nakadepende sa alkohol.
  • Sa Europa ang alkohol ay nagdaragdag sa halos isa sa sampu ng lahat ng mga kaso ng
    mga karamdaman at wala sa panahong mga kamatayan bawat taon.
  • 39% ng lahat ng kamatayang may kinalaman sa trapiko ay kinabibilangan ng alkohol noong 2005.
  • 40% ng mararahas na krimen ay nangyayari sa ilalim ng impluwensiya ng alcohol.