ANO ANG ECSTASY?

Photo credits: stockxpert.com
Photo credits: stockxpert.com

Ang Ecstasy ay unang ginawa ng Merck Pharmaceutical Company noong 1912. Sa orihinal nitong anyo, ito ay kilala bilang “MDMA.” Ginamit ito noong 1953 ng hukbong sandatahan ng Estados Unidos sa kanilang mga eksperimento sa psychological warfare, at pagkatapos ay muli itong bumalik noong mga 1960 bilang gamot na pang-psychotherapy para “makabawas ng mga inhibisyon.” 1 Ngunit mula noong mga 1970 lamang sinimulang gamitin ang MDMA bilang isang party drug.

Noong unang banda ng 1980, ang MDMA ay itinataguyod bilang ang “the hottest thing in the continuing search for happiness through chemistry,” at ang “in” na droga para sa maraming party. Legal pa noong 1984, ibinebenta ang MDMA sa tatak na “Ecstasy,” ngunit noong 1985, ipinagbawal ang droga dahil sa mga pangkaligtasang alalahanin.

Mula noong huling banda ng 1980, ang Ecstasy ay naging malawakang pangalang pang-merkado para sa mga nagbebenta ng droga na nagbebenta ng mga “drogang parang Ecstasy” na sa katunayan ay may napakaunti o wala man lamang MDMA. At habang maaaring makalikha ng mapapanganib na epekto ang MDMA, ang tinatawag na Ecstasy naman ngayon ay maaaring maraming kemikal na sangkap—mula sa LSD, cocaine, heroin, amphetamine at methamphetamine, mula sa lason sa daga, caffeine, pampurga ng aso, atbp. Sa kabila ng cute na mga logo na inilalagay ng mga nagbebenta sa mga pill, iyon ang dahilan kung bakit talagang delikado ang Ecstasy; kailanman ay hindi talaga alam ng gumagamit kung ano ang ginagamit niya. Lumalaki ang panganib kapag itinataas ng mga gumagamit ang dosis para maabot ang naranasan nang “high”, hindi alam na maaaring ganap na ibang kombinasyon ng droga ang ginagamit nila.

Ang Ecstasy ay kadalasang nasa anyong tableta ngunit mayroon ding itinuturok at iniinom sa ibang paraan. Ang likidong Ecstasy ay GHB sa katunayan, isang substansyang nakapagpapababa ng aktibidad ng sistema ng nerbiyos—isang substansyang matatagpuan din sa panlinis ng lababo, pantanggal ng mga dumi sa sahig at mga likidong pantanggal ng grasa.

  1. 1. inhibisyon: mga ideya o mga patakarang pumipigil sa isang tao sa paggawa ng isang bagay.


MGA SIKAT NA TAWAG


ECSTASY Adam Cadillac Beans California Sunrise Clarity E Essence Elephants Eve Hug Hug Drug Love Drug Love pill Lover’s speed Roll Scooby snacks Snowball X XE XTC