PAANO NAGBAGO ANG MARIJUANA SA PAGDAAN NG PANAHON

Ang Indian hemp plant (mula kung saan gawa ang mga drogang cannabis tulad ng marijuana at hashish) ay pinapalaki bilang hallucinogen mahigit 2,000 taon na ang nakakalipas.

Ang dami ng THC sa halamang hemp ang nagdidikta ng lakas ng droga. Ang dami ng THC na matatagpuan sa marijuana ay palaging nagbabago, at ang lebel ng THC ay patuloy at palagiang tumataas.

Sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong teknik, nakalikha ang mga nagpaparami ng hemp ng mga uri ng cannabis na may mas matataas na antas ng THC kaysa mga uri ng nakaraan. Ang karaniwang lakas ng halamang marijuana sa U.S. ngayon ay mga 15-20%. Ang pinakamataas na antas na matatagpuan sa halaman ay mga 32%/12

Para sa pagkukumpara:

  • Ang pot na hinithit sa Woodstock noong 1969 at sa kabuuan ng huling bahagi ng 1970 ay halos
    mga 1% THC.13
  • Noong 1980, ito ay mga 1%. Noong 1997, ang karaniwang lamang THC ay malapit sa 5.1%, noong 2008, 10.2%.14

Pagtaas ng THC sa marijuana sa pagdaan ng panahon


Mas marami pang THC, mas psychoactive and droga at mas mataas ang potensiyal para sa pag-abuso, pagkalulong at iba pang mapapanganib na mga epekto.

Mas marami pang THC, mas psychoactive and droga at mas mataas ang potensiyal para sa pag-abuso, pagkalulong at iba pang mapapanganib na mga epekto.

 

ALKOHOL VS. MARIJUANA

Ang paghithit ba ng joint ay katulad ng pag-inom ng alkohol?

Ikaw ang magpasiya. Heto ang katotohanan:

Ang alkohol ay may iisang substansya lamang: ethanol. Ang marijuana ay nagtataglay ng higit pa sa 400 kilalang kemikal, kabilang na ang parehong mga bagay na nakapagdudulot ng kanser na matatagpuan sa usok ng tabako. Hindi tulad ng mga naninigarilyo, ang mga gumagamit ng pot ay lumalanghap nang mas malalim at pinapatagal ang usok sa loob ng katawan sa pinakamatagal na panahong posible para maging mas mabisa ang droga, pinapalala ang pinsala sa mga baga.

Natatanggal ang alkohol mula sa katawan sa loob ng ilang oras, pero ang THC ay nananatili sa katawan sa loob ng ilang linggo, marahil ay buwan pa, depende sa tagal at tindi ng paggamit.

Pinipinsala ng THC ang immune system. Hindi ito ginagawa ng alkohol.

Walang intensiyon ditong paliitin ang mga panganib na dulot ng pag-abuso sa alkohol, na mapanganib din. Gayunpaman, kailangang maging listo ang mga gumagamit na ang mga kemikal sa marijuana, kung saan ang ilan sa mga ito ay nakapagdudulot ng kanser, ay nananatili sa loob ng katawan matagal pagkatapos na gamitin ang droga.