MAGLIGTAS NG MGA BUHAY SA PAMAMAGITAN NG
EPEKTIBONG EDUKASYON SA DROGA
Sa pagtaas ng paggamit at pag-abuso sa droga at alkohol, at sa pag-abot nito sa pabata at pabatang populasyon kada taon, ang misyon ng Foundation for a Drug-Free World na protektahan ang buhay ng kabataan mula sa nakawawasak na mga epekto ng droga ay isang 24/7 at pandaigdigang pagsusumikap.
Ang Foundation for a Drug-Free World ay isang korporasyong hindi kumikita at para sa pampublikong benepisyo at pinapalakad nang eksklusibo para sa mapagkawanggawang
mga layunin. Pinopondohan ito ng mga grant at pampublikong kontribusyon mula sa mga indibidwal at mga organisasyong nakikibahagi sa dedikasyong tumulong sa mga taong mamuhay nang malaya sa pag-abuso sa droga.
Sa pamamagitan ng inyong malaking suporta sa Foundation, pinahihintulutan ninyo kaming gawing libre sa mga paaralan, mga organisayong pangkabataan at iba pang mga grupo at indibidwal na nagbibigay-serbisyo sa mga kabataan ang aming mga materyal na pang-edukasyon at epektibong mga programa para sa pagsugpo sa paggamit ng mga droga.
Ano Ang Sinusuportahan ng Inyong Donasyon para sa Pagkakasapi:
- Malawakang kampanya sa media: Kinabibilangan ang pagpapalabas ng ating mga anunsiyong pampublikong serbisyong inyong “Sabi Nila, Nagsinungaling Sila”, pati na rin ang palagiang presensiya ng ating mga patalastas sa print at Internet at mga anunsiyong pampublikong serbisyong nakaaabot sa mga tagapagturo at iba pa na nakikibahagi sa inyong mga inaalala tungkol sa mga epekto ng mga droga sa mga indibidwal at buong mga komunidad.
- Tuluy-tuloy na mga update sa pampublikong impormasyon at kasalukuyang pag-agap sa droga – sa iba’t ibang media – na sumusubaybay sa mga trend ng pag-abuso sa droga at alkohol at, mas mahalaga, nagbibigay ng pananaw at mga solusyon para mabago ang mga ito.
- Ang pagbibigay ng ating mga pang-edukasyong materyales ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga nang libre sa mga tagapagturo na nagtuturo sa mga kabataan tungkol sa katotohanan tungkol sa mga droga.
Maging Miyembro:
Basic Membership $40
Ang $40 na membership ay tumutulong sa aming ipagpatuloy ang aming trabaho para gawin ang mundong malaya mula sa droga.
Contributing Annual Membership $300
Ang mga miyembro ay nakatatanggap ng membership card, sulat at sertipikong akmang i-kuwadra, mga publikasyon at regular na mga update sa email tungkol sa mga gawain ng grupo.
Corporate Annual Membership $500
Ang mga miyembro ay nakatatanggap ng membership card, sulat at sertipikong akmang i-kuwadra na nagpapakita ng dedikasyon ng inyong organisasyon sa edukasyon laban sa droga. Ang mga corporate member ay regular na binabalitaan sa email sa mga gawain ng grupo at espesyal na mga ulat.
Corporate Sponsorships
Para makatulong na iparating ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga sa bawat indibidwal, paaralan at komunidad, ang Foundation for a Drug-Free World ay nagpapanatili ng malawak na agenda ng mga event at mga gawain para sa pagpapataas ng kamalayan nang malawakan. Kinabibilangan ito ng mga:
- Event na malawak na nagpapataas ng kamalayan sa paggamit at pag-abuso ng droga at alkohol.
- Mga kampanya at mga proyektong nagdadala ng misyon at mensahe ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga sa mga strategic zone.
- Promosyon ng mga video at mga anunsiyong pampublikong serbisyo ng Katotohanan Tungkol sa Mga Droga sa TV, at higit pa
Ang mga korporasyong interesado sa pagsuporta sa edukasyon sa pag-agap sa droga bilang bahagi ng kanilang charter para sa serbisyong pang-komunidad ay maaaring magpasa ng aplikasyon para maging sponsor ng ganoong mga gawain. Para sa aplikasyon para sa corporate sponsorship, kontakin ang: Corporate Relations Director info@drugfreeworld.org
Mga Panata
Sinumang nagnanais na magpatuloy na tumulong sa Foundation for a Drug-Free World nang regular ay maaaring gumawa ng buwanang panata.
Donasyon
Magbigay ng kahit magkanong donasyon.
Para sa karagdagang impormasyon kung paano kayo makakatulong, kontakin kami dito.
Anuman ang inyong donasyon ay makatutulong sa amin na makapagbigay-lakas sa sinuman, gaano man katanda, ng mga katotohanang kailangan nila para makapamuhay nang malusog at malaya sa droga – at maniwala kayo sa amin, magkano man ay pinasasalamatan at mahusay na mailalaan.