ANG NAKAMAMATAY NA MGA EPEKTO NG METH

Ang nakadidiring hitsura ng crystal meth ay nakikita sa mga napilatan at biglang tumandang mga mukha ng mga taong umaabuso rito. (Photo credit: courtesy Attorney General’s Office, Taswell County, Illinois)
Ang nakadidiring hitsura ng crystal meth ay nakikita sa mga napilatan at biglang tumandang mga mukha ng mga taong umaabuso rito.
(Photo credit: courtesy Attorney General’s Office, Taswell County, Illinois)


Ang panandalian at pangmatagalang epekto sa indibidwal

Kapag ginamit ito, ang meth at crystal meth ay lumilikha ng isang hindi tunay na pakiramdam ng kabutihan at enerhiya, at kaya magpupumilit ang isang tao na itulak ang kanyang sarili nang mas mabilis at mas higit pa kaysa sa kaya nito. Sa gayon, maaaring makaranas ang mga gumagamit ng matinding “pagbagsak” o pisikal at mental na pagkasira pagkatapos humupa ang
mga epekto ng droga.

Dahil ang patuloy na paggamit ng droga ay nakapagpapababa ng natural na pakiramdam ng gutom, maaaring makaranas ang
mga gumagamit ng sobrang pagbaba ng timbang. Ang negatibong
mga epekto ay maaaring kinabibilangan ng balisang mga pagtulog, sobrang kalikutan, pagkaduwal, delusyon sa kapangyarihan, napatinding pagka-agresibo at pagiging iritable.

Ang ibang seryosong mga epekto ay maaaring kinabibilangan ng insomnia, kalituhan, mga guni-guni, pagkabalisa at paranoia.1 Sa ibang kaso, ang paggamit ay maaaring magdulot ng mga kombulsiyong maaaring humantong sa kamatayan.

Pangmatagalang pagkasira

Sa katagalan, ang paggamit ng meth ay maaaring maging sanhi ng pagkasirang hindi na maaaring maayos: napinsalang mga daluyan ng dugo sa utak na maaaring magdulot ng mga stroke, o iregular na pagpintig ng puso na maaari namang magdulot ng cardiovascular2 na pagkasira o kamatayan; at pinsala sa atay, bato at baga.

Ang mga gumagamit ay maaaring dumanas ng pinsala sa utak, kabilang na ang paghina ng memorya at paglalang kawalan ng kakayahang makaintindi ng abstract (batay sa teorya) na mga kaisipan. Ang mga gumagaling ay kalimitang nagkakaroon ng mga pagkablangko sa mga bahagi ng alaala at sobrang pag-iiba-iba ng pag-uugali.

Panganib ng Meth

PANANDALIANG MGA EPEKTO

  • Kawalan ng gana sa pagkain
  • Napabilis na tibok ng puso, napataas na presyon ng dugo, napataas na temperatura ng katawan
  • Paglaki ng mga balintataw
  • Putul-putol at magulong pagtulog
  • Pagkaduwal
  • Kakaiba, pabugsu-bugso at minsan ay marahas na pag-uugali
  • Mga guni-guni, sobrang hindi mapakali at pagka-iritable
  • Hindi mapakali at psychosis
  • Mga kombulsyon, mga seizure at biglaang kamatayan mula sa matataas na dosis

PANGMATAGALANG MGA EPEKTO

  • Permanenteng pinsala sa mga daluyan ng dugo ng puso at utak, mataas na presyon ng dugo na humahantong sa mga atake ng puso, mga stroke at kamatayan
  • Pinsala sa atay, bato at baga
  • Pagkasira ng mga himaymay sa loob ng ilong kapag sininghot
  • Problema sa paghinga kapag hinithit
  • Nakahahawang mga sakit at mga nana kapag itinuturok
  • Malnutrisyon, pagbawas ng timbang
  • Matinding pagkabulok ng ngipin
  • Kawalan ng oryentasyon, apatiya, litong kapaguran
  • Malakas na mental na pagdepende sa iba
  • Kabaliwan
  • Matinding kalungkutan
  • Pinsala sa utak tulad ng sa sakit na Alzheimer,3 stroke at epilepsy
  1. 1. paranoia: pagdududa, kawalan ng tiwala o takot sa ibang tao.
  2. 2. cardiovascular: may kinalaman sa puso at mga daluyan ng dugo.
  3. 3. sakit na Alzheimer: isang sakit na nakaaapekto sa ilang matatanda na sinasamahan ng pagkawala ng memorya.