MGA PROPESYONAL SA PAGPAPATUPAD NG BATAS

Bilang isang propesyonal sa pagpapatupad ng batas, naiintindihan mo ang kaugnayan sa pagitan ng pag-abuso sa droga at krimen nang mas mahusay kaysa sa karamihan sa ating lipunan. Ngunit paano mo mapipigilan ang mga tao, lalo na ang ating kabataan, mula sa paggamit ng droga sa umpisa pa lamang?

Doon kami puwedeng makatulong.

Bibigyan namin kayo ng eksaktong programa para mabigyang-edukasyon ang kabataan sa masasamang epekto ng mga droga bago sila magsimula. Walang hype, walang pananakot, walang pangangaral—makatotohanang impormasyon lamang para matulungan silang makagawa ng tamang mga desisyon tungkol sa mga droga.

Heto ang sinasabi ng mga opisyal ng tagapagpatupad ng batas tungkol sa programa:

“Ang package ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga ay pambihira. Ang mga booklet ay naibigay sa lahat ng limampung paaralan sa lugar. Ang DVD ay naipakita sa mga Grade Six at hanggang Grade Twelve at nagkaroon ng talagang positibong reaksiyon. Gustung-gusto ng mga guro ang mga usapang napasimulan ng DVD. Hindi ako makaalala ng isang presentasyong nagpanatili ng atensyon ng mga estudyante nang talagang tutok na tutok. Sa tingin ko ay binigyang-impormasyon sila ng mga ito, at nasapul din sila ng mga ito. Kung mapapadalhan ninyo ako ng ikalawang DVD, maibibigay ko ito sa kasama ko sa norteng bahagi ng siyudad na ito para maipamahagi niya. Talagang nakapagbibigay ito ng impormasyon at nakakasapul talaga.”
BL, Sheriff/Police Chief, Canada

“Ang mga video ay mahalagang dagdag sa mga leksiyon tungkol sa droga. Naiintindihan na ngayon ng mga estudyante kung paano nasisira ng mga droga ang mga buhay ng mga taong galing sa
mga background na tulad ng sa kanila. Natuklasan ko na ang mga kuwento ng mga indibidwal na binigyang-diin sa mga video ay mas kapani-paniwala kaysa sa akin na nagsasabi sa mga estudyante tungkol sa isang taong nasiraan ng buhay dahil sa droga o kung gaano kalala ang maaaring maging sakit ng isang tao pagkatapos gumamit ng droga. Pagkatapos ng unang klase ng paggamit ng mga video, tinanong ko ang mga estudyante kung mas gusto nila ang isang leksiyon o ang mga video... tuwang-tuwa silang marinig na manonood sila ng katulad na mga video sa kabuuan ng mga leksiyon tungkol sa droga.”

CF, Sheriff’s Deputy/Police Officer, New Jersey

Humingi ng LIBRENG Information Kit ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga NGAYON >>

O kung nagtuturo ka tungkol sa mga droga, humingi ng Education Package ng
Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga
>>