SAAN GAWA ANG METH?

Isang laboratoryo ng crystal meth

Isang laboratoryo ng crystal meth

Ang methamphetamine ay isang sintetikong (gawa ng tao) kemikal, hindi tulad ng cocaine, halimbawa, na galing sa isang halaman.

Ang meth ay karaniwang ginagawa sa ilegal at nakatagong mga laboratoryo, pinaghahalo ang iba’t ibang mga porma ng amphetamine (ibang pampasiglang droga) o mga bagay na gawa mula rito sa ibang kemikal para palakasin ang ito. Ang mga karaniwang tableta para sa gamot ng sipon ay kalimitang ginanagamit bilang basehan para sa paggawa ng droga. Ang “tagaluto” ng meth ay kumukuha ng sangkap mula sa mga tabletang iyon at para mapalakas ito ay ihahalo ang substansya sa mga kemikal tulad ng asido ng baterya, panlinis sa mga alulod, likidong panggatong sa mga lampara at antifreeze (substansyang pumipigil sa pagyeyelo).

Ang mapapanganib na kemikal na mga ito ay potensiyal na sumabog at dahil ang mga tagaluto ng meth ay mga gumagamit ng droga mismo, madalas silang nasusunog nang malala at nasisiraan ng pigura o namamatay kapag sumasabog ang kanilang ginagawa. Ang mga ganitong aksidente ay naglalagay sa panganib sa ibang malalapit na mga tahanan at mga tanggapan.

Lumilikha rin ng maraming nakalalasong dumi ang ilegal na mga laboratoryo—ang paggawa ng isang libra ng methamphetamine ay lumilikha ng limang libra ng dumi. Ang mga taong nalalantad sa duming ito ay maaaring malason at magkasakit.

“Ang perang galing sa kawanggawa ay hindi sapat para matustusan ang aming bisyo sa meth at masuportahan ang aming anak kaya ginawa naming laboratoryo ng meth ang inuupahan naming tahanan. Iniimbak namin ang nakalalasong mga kemikal sa aming refrigerator, hindi namamalayang makapanghihimasok ang mga lason sa ibang pagkain sa icebox.

“Noong binigyan ko ang tatlong-taong gulang na anak ko ng keso para kainin, hindi ko alam na binibigyan ko siya ng nalasong pagkain. Batung-bato ako sa meth para mapansin, hanggang makalipas ang 12 oras, na halos patay na sa sakit ang anak kong lalaki. Ngunit dahil batung-bato ako, inabot ako ng dalawang oras para maisip kung paano ko siya madadala sa ospital na limang milya ang layo mula sa bahay. Noong marating namin ang emergency room, ipinahayag na namatay ang anak ko dahil sa nakamamatay na dosis ng ammonia hydroxideisa sa mga kemikal na ginagamit para makagawa ng meth.” — Melanie