MGA EPEKTO NG COCAINE
Ang cocaine ay nagdudulot ng panandalia’t matinding high na kaagad na sinusundan ng kabaliktaran nito—napakatinding kalungkutan, pagka-iritable at paghahanap pa para sa droga. Ang mga taong gumagamit nito ay madalas na hindi kumakain o natutulog nang maayos. Nakararanas sila ng matinding pagbilis ng tibok ng puso, pamumulikat ng mga kalamnan at mga kombulsyon. Ang droga ay maaaring magparamdam sa mga tao na paranoid sila,1 galit, makaramdam ng kasamaan at mabalisa, kahit na hindi sila “high”.
Gaano man karami o gaano man kadalas gamitin ang droga, pinatataas ng cocaine ang panganib na maaaring makaranas ng atake sa puso, stroke, atake o kabiguan sa paghinga ang tao, alinman dito ay maaaring magresulta sa biglaang kamatayan.
Ano ang pangmatagalang mga epekto ng cocaine?
Ang katagang “dope fiend” ay orihinal na inimbento ilang taon na ang nakalipas para mailarawan ang negatibong mga epekto ng patuloy na paggamit ng cocaine. Habang tumitindi ang kawalan ng epekto sa drogang ito, nagiging mas kinakailangang gumamit ng mas marami at mas marami nito para maabot ang parehong high. Ang matagalang paggamit nito ay nagdudulot ng kawalan ng kakayahang matulog at kawalan ng gana sa pagkain. Puwedeng maging psychotic at makaranas ng mga guni-guni ang isang tao.
Habang ang cocaine ay umaantala sa pagpoproseso ng utak sa mga kemikal, mas marami’t mas marami ang kailangan ng isang tao para lamang maging “normal” ang pakiramdam nila. Ang mga taong nalulong sa cocaine (tulad ng sa ibang droga) ay nawawalan ng interes sa iba pang bahagi ng buhay.
Ang pagtigil sa paggamit ng droga ay nagdudulot ng matinding kalungkutan na napakatindi na gagawin ng tao ang halos kahit ano para lamang makakuha ng droga—kahit pa pumaslang.
At kapag hindi siya makakuha ng cocaine, maaaring maging napakatindi ng kalungkutan na maaari nitong itulak ang adik na magpakamatay.
- Kawalan ng gana sa pagkain
- Napabilis na tibok ng puso, napataas na presyon ng dugo, napataas na temperatura ng katawan
- Sumikip na mga ugat (daluyan ng dugo)
- Napabilis na paghinga
- Napalaking mga balintataw
- Putul-putol at magulong pagtulog
- Pagkaduwal
- Hyperstimulation
- Kakaiba, pabugsu-bugso at minsan ay marahas na pag-uugali
- Mga guni-guni, sobrang hindi mapakali at pagka-iritable
- Guni-guning may kinalaman sa panamdam na lumilikha ng ilusyon ng mga insektong gumagapang sa ilalim ng balat
- Napakatinding kasiyahan
- Pagkabalisa at paranoia
- Matinding kalungkutan
- Napakasidhing paghahangad sa droga
- Hindi mapakali at psychosis
- Mga kombulsyon, mga seizure at biglaang kamatayan mula sa matataas na dosis (kahit na isang beses lamang)
- Permanenteng pinsala sa mga ugat (daluyan ng dugo) ng puso at utak
- Mataas na presyon ng dugo, na humahantong sa atake sa puso, mga stroke at pagkamatay
- Pinsala sa atay, bato at baga
- Pagkasira ng mga himaymay sa loob ng ilong kapag sininghot
- Problema sa paghinga kapag hinithit
- Nakahahawang mga sakit at mga nana kapag itinuturok
- Malnutrisyon, pagbawas ng timbang
- Matinding pagkabulok ng ngipin
- Guni-guni sa pandinig at pandama
- Mga problemang sekswal, pinsalang may kinalaman sa reproduksyon at pagkabaog (parehong sa lalaki at babae)
- Kawalan ng oryentasyon, apatiya, litong kapaguran
- Pagiging iritable at paiba-iba ng ugali
- Mas padalas na pagkakaroon ng mapanganib na ugali
- Deliryo o pagkabaliw
- Napakatinding kalungkutan
- Kawalan na ng epekto ng droga at pagkalulong (kahit pagkatapos lamang ng minsanang paggamit)
- 1.paranoid: mapagduda, walang tiwala o takot sa ibang tao