ANO ANG HITSURA NG METHAMPHETAMINE?

(Photo credit: DEA/drugs)
(Photo credit: DEA/drugs)

Ang methamphetamine ay karaniwang nasa anyo ng kristal na puting pulbos na walang amoy, mapait at madaling matunaw sa tubig o alkohol.

Mayroon ding ibang kulay ng pulbos, kabilang na ang kulay tsokolate, mala-dilaw na abong kulay, kahel, at kulay rosas pa. Maaari rin itong masiksik para maging pildoras.

Tulad ng natalakay noong una, maaari itong singhutin, hithitin o mai-inheksiyon.

Ang Crystal meth ay nasa anyong malinaw na mala-tipak na mga kristal na mukhang yelo at kadalasang hinihithit.



MGA SIKAT NA TAWAG


METH: Beannies Brown Chalk Crank Chicken feed Cinnamon Crink Crypto Fast Getgo Methlies Quik Mexican crack Pervitin (Czech Republic) Redneck cocaine Speed Tick tick Tweak Wash Yaba (Southeast Asia) Yellow powder CRYSTAL METH: Batu Blade Cristy Crystal Crystal glass Glass Hot ice Ice Quartz Shabu Shards Stove top Tina Ventana