ROHYPNOL
Ang Rohypnol ay isang pampakalmang halos 10 ulit na mas malakas kaysa sa Valium. Ang droga ay nakukuha na isang puti o kulay olibang pildora at ito ay karaniwang ibinebenta sa plastik na paketeng may maliliit na lobong gawa ng manggagawa ng droga. Dinudurog ng mga gumagamit ang mga pildoras at sinisinghot ang pulbos, ibinubudbod ito sa marijuana at hinihithit ito, tinutunaw ito sa isang inumin o itinuturok ito.
MGA EPEKTO NG ROHYPNOL
Ang Rohypnol ay ginamit sa pagsasagawa ng mga sekswal na pag-atake dahil ginagawa nitong walang-kakayahang tumanggi ang biktima, binibigyan ito ng reputasyon ng bilang drogang ginagamit sa “date-rape”.
Ang mga gumagamit ng Rohypnol ay kalimitang inilalarawan ang mga epekto nito na “nakapaparalisa.” Ang mga epekto ay nagsisimula 20 hanggang 30 minuto pagkatapos inumin ang droga, ang rurok sa loob ng 2 oras at maaaring magpatuloy hanggang 8 o kahit 12 oras. Maaaring talagang mawalan ng kakayahan ang tao at bumagsak pa sila. Nakahiga sila sa lapag, bukas ang mga mata, may kakayahang mag-obserba ng mga nangyayari ngunit lubusang walang kakayahang gumalaw. Pagkatapos, nasisira ang pag-alala at hindi nila maaalala ang anuman sa mga nangyari.
Nakararanas ang tao ng pagkawala ng kontrol ng kalamnan, kalituhan, pagkahilo at amnesia.
Ang Rohypnol ay ibinebenta sa Europa at Latin Amerika bilang isang pildoras na pampatulog ngunit ilegal ito sa Estados Unidos.