ANG KAILANGAN MONG MALAMAN
Maraming usap-usapan tungkol sa mga droga sa mundo—sa mga lansangan, sa eskuwelahan, sa Internet at sa TV. Ang ilan sa mga ito ay totoo, ang ilan ay hindi.
Sa katunayan, marami sa mga naririnig ninyo tungkol sa mga droga ay nanggagaling sa mga nagbebenta ng mga ito. Umamin ang mga nagbagong-buhay na nagbebenta ng droga na sasabihin nila ang kahit na ano para mapabili ang ibang tao ng droga.
Huwag magpapaloko. Kailangan mo ng mga katotohanan para makaiwas na malulong sa mga droga at matulungan ang iyong mga kaibigang lumayo sa mga ito.
Hindi magtatagal—kung hindi pa nangyari—ikaw, o isang taong malapit sa iyo, ay aalukin ng droga. Ang desisyon sa gagamitin ba o hindi ang mga ito ay makaaapekto nang malaki sa iyong buhay. Sasabihin sa iyo ng sinumang adik na kailanman ay hindi nila inasahan ang isang drogang mangibabaw sa kanilang buhay o na nagsimula sila sa “pot lang” at na “ginagawa lamang iyon” kasama ng mga kaibigan nila. Akala nila ay kaya nila ito at noong natuklasan nilang hindi, huli na.
May karapatan kang malaman ang MGA KATOTOHANAN tungkol sa mga droga—hindi mga opinyon, mga hype o mga panakot. Kaya, paano mo masasabi ang katotohanan mula sa gawa-gawa? Iyon ang dahilan kung bakit namin nilikha ang website na ito—para sa iyo.
ANG KATOTOHANAN TUNGKOL SA MARIJUANA
Ang marijuana ang isa sa mga pinaka-abusadong droga sa mundo. Mayroong palaging lumalaking agwat sa pagitan ng pinaka-modernong siyensiya tungkol sa marijuana at ang mga kathang-isip na nakapalibot dito. Iniisip ng ibang tao na dahil legal ito sa ilang lugar, ligtas siguro ito. Ngunit hindi alam ng katawan ninyo ang kaibahan ng legal na droga mula sa ilegal na droga. Alam lamang nito ang epektong nililikha ng droga sa oras na nagamit mo na ito. Ang layunin ng publikasyong ito ay ang linawin ang ilan sa mga hindi pagkakaintindihan tungkol sa pot.
Sino Kami
Ang Foundation for a Drug-Free World ay isang korporasyong hindi kumikita at para sa pampublikong benepisyo na nagbibigay-lakas sa mga kabataan at mga nakatatanda gamit ang makatotohanang impormasyon tungkol sa mga droga para makagawa sila ng impormadong mga desisyon at mamuhay nang malaya sa droga.
Walang tao, lalo na isang kabataan, ang gustong mabigyan ng leksiyon tungkol sa kung ano ang puwede o hindi niya puwedeng gawin. Sa gayon, ibinibigay namin ang mga katotohanang nagbibigay-kapangyarihan sa kabataang pumiling hindi gumamit ng mga droga sa una pa lamang. Karagdagan pa, ang aming kampanyang Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga ay binubuo ng mga gawaing masasalihan nila na nagpapasikat sa pamumuhay na malaya sa droga. Ang mga gawaing ito ay simple, epektibo at maaaring kabilangan ng mga tao, anuman ang kanilang edad.
Mga Tagapagturo
Bilang isang tagapagturo gusto mong matulungan ang mga kabataang maging malayo sa mga droga at alam mong kailangan mo silang maabot bago sila maabot ng mga dealer. Habang minsan ay nagkukulang ang panahon at mga materyales para sa epektibong pagbibigay-edukasyon sa droga, at ang mga materyales na ginagamit ay kadalasang luma na, hindi pa binabanggit na hindi talaga “nakikipag-usap” ang mga ito sa mga bata, doon kami makatutulong.
Pinupunan ng Education Package ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga ang lumalaking pangangailangan para sa praktikal na mga kagamitan para matulungan ka at ang ibang mga guro, mga tagapagturo o mga direktor na maipahayag ang katotohanan tungkol sa mga droga nang mabilis at nang epektibo. Nagbibigay ito ng mga leksiyon, mga takdang-gawain at mga gawain sa silid-aralan na nanghihikayat ng pakikilahok ng estudyante at nakukuha nito at napananatili ang atensiyon ng kabataan. Kusang-loob na binabasa, pinanonood at, pinakamahalaga, ginagamit ng mga estudyante ang mga impormasyon para pumili ng tama tungkol sa paggamit ng droga.
TRUTH ABOUT DRUGS - NEWSLETTER
EL SALVADOR SA LANDAS NITO SA PAGIGING ISANG BANSANG DRUG-FREE
Pagkatapos ng 34 taon sa hukbong militar ng El Salvador, naghahanap si Koronel Hugo Angulo ng panibagong istratehiya sa digmaan laban sa droga. Binabago na niya ang panahon ngayon sa pamamagitan ng Drug-Free World.