ALKOHOL: ISANG MAIKLING KASAYSAYAN

Pinaasim na mga inumin sa sinaunang sibilisasyon ng Ehipto. Photo Credit: GoddessGift
Binurong mga inumin sa sinaunang sibilisasyon ng Ehipto. Photo Credit: GoddessGift


Ang binurong butil, katas ng prutas at pulut-pukyutan (honey) ay ginamit para makagawa ng alkohol (ethyl alcohol o ethanol) sa loob ng ilang libong taon.

Matatagpuan ang binurong mga inumin sa sinaunang sibilisasyon ng Ehipto, at may katunayan ng sinaunang inuming alkohol sa Tsina noong mga 7000 B.C. Sa India, isang inuming alkohol na tinawag na sura, dinistila mula sa bigas, ay ginamit mula 3000 at 2000 B.C.

Ang mga Babylonian ay sumamba sa isang diyosa ng alak noong kasing-aga ng 2700 B.C. Sa Gresya, isa sa naunang mga inuming alkohol na umani ng katanyagan ay ang mead, isang binurong inuming gawa sa pulut-pukyutan at tubig. Ang panitikan ng Gresya ay puno ng mga babala laban sa sobrang pag-inom.

Iba-ibang katutubong Amerikanong sibilisasyon ang gumawa ng mga inuming alkohol noong panahong pre-Columbian1. Isang ibang uri ng binurong
mga inuming mula sa rehiyong Andes ng Timog Amerika ay nilikha mula sa mais, ubas o mga mansanas, na tinatawag na “chicha.”

Noong ika-16 na siglo, ang alkohol (tinawag na “mga espiritu”) ay ginamit nang pangunahin para sa panggagamot. Sa simula ng ika-18 siglo, nagpasa ng batas ang Batasan ng Inglatera na nagsusulong sa pagamit ng mga butil para sa pagdidistila ng mga espiritu. Binaha ng mumurahing mga espiritu ang merkado at umabot sa taluktok noong kalagitnaan ng ika-18 siglo. Sa Britanya, ang pag-inom ng gin ay umabot sa 18 milyong galon at naging malawakan ang alkoholismo.

Ang ika-19 na siglo ay nagdala ng pagbabago sa mga saloobin at nagsimulang itaguyod ng “temperance movement” (kilusang nagtataguyod sa hinay-hinay na pag-inom) ang hinay-hinay na pag-inom ng alkohol—na hindi nagtagal ay naging pagtaguyod para sa lubusang pagbabawal.

Noong 1920 ang Estados Unidos ay nagpasa ng isang batas na nagbawal sa paggawa, pagbebenta,
pag-aangkat at pagluluwas ng nakalalasing na mga alak. Ang ilegal na pangangalakal ng alkohol ay lumaganap at noong 1933, ang pagbabawal sa alkohol ay pinawalang-bisa.

Ngayon, ang humigit-kumulang 15 milyong Amerikano ang nagdurusa sa pagkagumon sa alak at 40% ng lahat ng kamatayan dahil sa aksidente sa sasakyan sa Estados Unidos ay kinabibilangan ng alkohol.

 

  1. 1. pre-Columbian: bago dumating sa Amerika si Christopher Columbus noong 1492.