ANG NAKASISIRANG MGA EPEKTO NG HEROIN
Katumbas ng droga ang kamatayan. Kapag wala kang ginawa para makaalpas dito, mamamatay ka. Ang maging adik ay ang makulong. Sa simula, iisipin mong ang droga ay kaibigan mo (pakiramdam mo ay tinutulungan ka nitong matakasan ang mga bagay o mga pakiramdam na bumabagabag sa iyo). Pero hindi magtatagal ay malalaman mo na lamang na gumigising ka sa umaga’t ang tanging iniisip mo na lang ay droga.
“Ang buong araw mo ay nauubos sa paghahanap o paggamit ng droga. Naha-high ka buong hapon. Sa gabi, pinapatulog mo ang sarili mo gamit ang heroin. At nabubuhay ka para doon lamang. Ikaw ay nasa isang bilangguan. Patuloy mong iniuuntog ang ulo mo sa isang pader, walang tigil, ngunit wala kang kahahantungan. Sa kahuli-hulihan, ang bilangguan mo ang iyong nagiging kulungan.” – Sabrina
AGARANG PINSALA: Ang unang mga epekto ng heroin ay kinabibilangan ng bugso ng pakiramdam—isang “rush.” Ito ay kadalasang sinasamahan ng mainit na pakiramdam ng balat at tuyot na bunganga. Minsan ang pangunahing reaksiyon ay kinabibilangan ng pagsusuka o matinding pangangati.
Pagkatapos na mawala ang pangunahing mga epektong ito, nagiging mahiluhin nang ilang oras ang gumagamit. Bumabagal ang pangunahing mga gawain ng katawan tulad ng paghinga at pagtibok ng puso.
Sa loob ng ilang oras pagkatapos na bumaba na ang mga epekto ng droga, magsisimula nang maghanap pa ng mas marami ang katawan ng adik. Kapag hindi siya makakuha ng susunod na tama, magsisimula siyang makaranas ng withdrawal. Kinabibilangan ang withdrawal ng matinding pisikal at pangkaisipang mga sintomas na nararanasan kung ang katawan ay hindi agad binibigyan ng kasunod na dosis ng heroin. Ang mga sintomas ng withdrawal ay kinabibilangan ng pagiging hindi mapakali,
mga sakit at kirot sa mga buto, pagtatae, pagsusuka at matinding pagkabalisa.
Ang matinding high na ninanais ng gumagamit ay nagtatagal lamang nang ilang minuto. Sa patuloy na pagagamit, kailangan niya ng tumataas na antas ng mga droga para lamang maging “normal” ang kanyang pakiramdam.
Panandaliang Mga Epekto
- “Rush”
- Napabagal na paghinga
- Malabong pag-iisip
- Pagkaduwal at pagsusuka
- Pagkakalmado; pagkahilo
- Hypothermia (mas mababa sa normal na temperatura ng katawan)
- Coma o pagkamatay (dahil sa overdose)