PAANO NAAAPEKTUHAN NG METHAMPHETAMINE ANG BUHAY NG MGA TAO

Kapag gumamit ng methamphetamine ang mga tao, kinokontrol nito ang kanilang mga buhay sa iba’t ibang antas. May tatlong kategorya ng pag-abuso.
MABABANG ANTAS NA PAG-ABUSO SA METH:
Ang mga umaabuso ng meth sa mababang antas ay lumulunok o sumisinghot ng methamphetamine. Gusto nila ang dagdag na pampasiglang ibinibigay ng methamphetamine para manatili silang gising nang sapat na matagal para matapos ang isang gawain o trabaho, o gusto nila ang epektong pumipigil sa gana sa pagkain para makapagbawas ng timbang. Isang hakbang lamang ang layo nila mula sa pagiging walang kontrol na mga nang-aabuso.
WALANG KONTROL NA PAG-ABUSO SA METH:
Ang walang kontrol na mga nang-aabuso ay hinihithit o iniinheksiyon ang methamphetamine gamit ang isang karayom. Binibigyan sila nito ng mas matinding dosis ng droga at nakararanas ng “rush” na sikolohikal na mas nakaka-adik. Nasa bingit sila ng pagpunta sa matinding pang-aabuso.
MATINDING PANG-AABUSO SA METH:
Ang matitinding umaabuso ay ang mga adik, kalimitang tinatawag na mga “speed freak.” Ang buong buhay nila ay nakatuon sa pagpigil sa pagbagsak, ang masakit na pagbaba pagkatapos ng pagka-high sa droga. Para maabot ang inaasam na “rush” mula sa droga, kailangan nilang gumamit ng mas marami pa nito. Ngunit tulad ng iba pang mga droga, bawat kasunod na high sa meth ay mas mababa kaysa sa nauna dito, nag-uudyok sa isang adik sa meth patungo sa isang madilim at nakamamatay na pagbulusok sa adiksyon.