ANO ANG HITSURA NG HEROIN?
Sa pinakapuro nitong anyo, ang heroin ay isang pino at puting pulbos. Ngunit kadalasan, matatagpuan itong kulay na pinaghalong rosas at abo, kulay kahoy o itim. Ang kulay ay nanggagaling sa mga ihinahalo dito na ginamit para pahinain ang lakas nito, na puwedeng asukal, kape o iba pang sangkap. Ang street heroin ay minsang “kina-cut” (ginagawa) nang may strychnine1 o iba pang mga lason. Ang iba’t ibang ihinahalo rito ay hindi tuluyang humahalo, at kapag itinurok ang mga ito sa katawan ay puwede nitong mabarhan ang ugat na tumutungo sa mga baga, bato o utak. Ito mismo ay maaaring humantong sa impeksyon o pagkasira ng mahahalagang lamang-loob.
Hindi alam ng gumagamit na bumibili ng heroin sa kalsada ang tunay na lakas ng drogang nasa partikular na paketeng iyon. Sa gayon, ang mga gumagamit ay kadalasang nasa panganib na masobrahan.
Ang heroin ay maaaring iturok, langhapin o singhutin. Sa unang beses na gamitin ito, ang droga ay lumilikha ng pakiramdam ng pagiging high. Ang tao ay maaaring makaramdam na extroverted sila, may kakayahang makipag-usap sa ibang tao nang madali at maaaring makaranas ng pakiramdam ng mas mahusay na sekswal na kakayahan—pero hindi ito nagtatagal.
Ang heroin ay talagang nakaka-adik at napakahirap ng pagtigil dito. Mabilis na nasisira ng droga ang resistensya ng isang tao, sa wakas ay ginagawang sakitin ang isang tao, payat na payat at buto’t balat, at sa huli ay patay.
- 1. isang stimulant (pampasigla) na ginagamit para sa lason para sa daga na nagdudulot ng matitinding kombulsyon at nakamamatay.