ANO ANG SASABIHIN SA IYO NG MGA NAGBEBENTA
Noong sinarbey ang mga kabinataan at kadalagahan para malaman kung bakit sila nagsimulang gumamit ng droga, 55% ang nagsabing dahil ito sa pang-uudyok ng kanilang mga kaibigan. Gusto nilang maging cool at sikat. Alam ito ng mga nagbebenta.
Lalapitan ka nila bilang isang kaibigan at mag-aalok na “tulungan ka” gamit ang “isang bagay na makapagpapa-angat sa kalooban mo.” “Tutulungan ka nitong maging ‘in’” o “gagawin ka nitong cool.”
Ang mga nagbebenta ng droga, inuudyukan ng mga kita na maaari nilang makuha, ay kung anu-ano ang sasabihin para mapabili ka nila ng kanilang droga. Sasabihin nila sa iyo na “subukan mo ang crack ng isang beses lamang at magiging ayos lang ang lahat; aalisin nito ang lahat.”
Wala silang pakialam kung sisirain ng mga droga ang buhay mo hangga’t sa nababayaran sila. Ang gusto lamang nila ay pera. Inamin ng dating mga nagbebenta na ang tingin nila dati sa mga mamimili ay “mga piyesa sa isang laro ng chess.”
Alamin ang mga katotohanan tungkol sa droga. Magkaroon ng sarili ninyong mga desisyon.