ANO ANG SASABIHIN SA IYO NG MGA NAGBEBENTA

Noong sinarbey ang mga kabinataan at kadalagahan para malaman kung bakit sila nagsimulang gumamit ng droga, 55% ang nagsabing dahil ito sa pang-uudyok ng kanilang mga kaibigan. Gusto nilang maging cool at sikat. Alam ito ng mga nagbebenta.

Lalapitan ka nila bilang isang kaibigan at mag-aalok na “tulungan ka” gamit ang “isang bagay na makapagpapa-angat sa kalooban mo.” “Tutulungan ka nitong maging ‘in’” o “gagawin ka nitong cool.”

Ang mga nagbebenta ng droga, inuudyukan ng mga kita na maaari nilang makuha, ay kung anu-ano ang sasabihin para mapabili ka nila ng kanilang droga. Sasabihin nila sa inyo na “gagawing party ng cocaine ang buhay mo.”

Wala silang pakialam kung sisirain ng mga droga ang buhay mo hangga’t sa nababayaran sila. Ang gusto lamang nila ay pera. Inamin ng dating mga nagbebenta na ang tingin nila dati sa
mga mamimili ay “mga piyesa sa isang laro ng chess.”

Alamin ang mga katotohanan tungkol sa droga. Magkaroon ng sarili ninyong
mga desisyon.

“Sa coke, para kang isang gamu-gamong hindi makalayo sa isang ilaw. Hinahatak at hinahatak ka nito at hindi mo ito mapigilan. Hindi ito pisikal. Nasa ulo mo ito. Mas ginagamit mo ito, mas gagamitin mo pa ito. Tinurukan ko nito ang sarili ko kada 10 minuto. Nanghiram ako ng pera sa bangko para bumili nito. Isang araw na lamang ay nawalan na ako ng trabaho. Mas malala pa. Dati ay palagi akong tumitira. Ginawa nito akong baliw. Alam ko iyon, pero nagpatuloy pa ako. Talagang naging talunan ako.” —Marilyn