ANG PINAKABATANG MGA BIKTIMA
Kapag ito ay ininom ng nagdadalantaong mga ina, pumapasok ang alkohol sa daluyan ng dugo, dumadaan sa bahay-bata at pumapasok sa fetus (hindi pa naipanganganak na bata).
Maaaring mapinsala ng alkohol ang isang fetus sa anumang yugto ng pagbubuntis, ngunit ito ay pinakamatindi sa unang mga buwan. Mayroong panganib ng
mga depekto sa pagsilang na may kinalaman sa alkohol kabilang na ang mga kakulangan sa paglaki, mga abnormalidad ng mukha, at pinsala sa utak at sa nervous system (sistema ng nerbiyos).
Inangkin ng alkohol ang mga buhay ng maraming magagaling na artista,
mga musikero at mga manunulat sa loob ng nakalipas na mga dekada. Heto ang ilan lamang:
John Bonham (1948–1980): Ang sobrang alkohol ay humantong sa kamatayan ng drummer ng Led Zeppelin na si John “Bonzo” Bonham, pinaka-kilala sa kanyang drum solo na “Moby Dick.” Natagpuan siyang patay, hindi makahinga dahil nalunod sa sarili niyang suka pagkatapos ng isang gabi ng matinding pag-inom, papunta sa pag-eensayo para sa parating na tour.
Steve Clark (1960–1991): Gitarista ng Def Leppard. Isang matinding manginginom, namatay siya sa kanyang tahanan sa London dahil sa nakamamatay na kombinasyon ng alkohol at droga.
Micheal Clarke (1946–1993): Amerikanong musikero, drummer ng The Byrds. Namatay siya dahil sa pagkasira ng atay pagkatapos ng tatlong dekada ng matinding pag-inom ng alak.
Brian Connolly (1945–1997): Isang Scottish na rakistang bokalista at pangunahing manganganta para sa Sweet. Ang kanyang problema sa pag-inom ang naging sanhi para iwanan niya ang banda noong 1978; bumalik siya ilang taon ang makalipas ngunit napinsala ng kanyang pag-inom ang kanyang kalusugan at namatay siya dahil sa sakit sa atay noong 1997.
Oliver Reed (1938–1999): Briton na aktor na kilala sa kanyang ginampanang papel sa Oliver!, Women in Love, The Three Musketeers at Gladiator. Namatay siya mula sa biglang atake sa puso habang nagpapahinga sa pagsasapelikula ng Gladiator. Langung-lango siya pagkatapos ng 3 bote ng rum, 8 bote ng beer at napakaraming doble ng whiskey.