PANDAIGDIGANG ESTADISTIKA

  • Tinatayang 13.5 milyong tao sa mundo ang gumagamit ng mga opioid (parang opium na mga substansya), kabilang na ang 9.2 milyong gumagamit ng heroin.
  • Noong 2007, 93% ng suplay ng opium ng buong mundo ay nanggaling sa Afghanistan. (Ang opium ay ang hilaw na materyales para sa suplay ng heroin.) Ang kabuuang halaga ng pagluluwas nito ay mga $4 bilyon, kung mula saan tatlong kapat nito ay napunta sa mga mangangalakal nito. Mga kapat ang napunta sa
    mga Afghanong magsasaka ng opium.
  • Inulat ng National Survey on Drug Use and Health (Pambansang Sarbey sa Paggamit ng Droga at Kalusugan) ng 2007 ang 153,000 na gumagamit ng heroin sa Estados Unidos noong 2007. Ang ibang tantiya ay nagsasabing kasing-taas ito ng mga 900,000.
  • Ang mga opiate, sa pangunahin ay heroin, ay kabilang sa apat sa bawat limang kamatayang may kinalaman sa droga sa Europa, ayon sa isang ulat noong 2008 mula sa European Monitoring Centre on Drugs and Drug Addiction (Europeong Sentro ng Pagmamatyag sa Mga Droga at Pagkalulong sa Droga).
  • Ang mga opiate, sa pangunahin ay heroin, ang bumubuo sa 18% ng mga tinatanggap para sa panggagamot na may kinalaman sa droga at alkohol sa Estados Unidos.

Mula sa araw na nagsimula akong gumamit, hindi na ako tumigil. Sa loob lamang ng isang linggo ay nagsimula ako sa pagsinghot ng heroin at tumuloy ito sa pagtuturok. Sa loob lamang ng isang buwan ay naadik na ako at ginagamit na ang lahat ng naipon ko. Ibinenta ko na ang lahat ng mahalaga sa akin at hindi naglaon ay pati na rin ang lahat ng mahalaga sa ina ko. Sa loob ng isang taon, nawala na sa akin ang lahat.

“Ibinenta ko ang kotse, nawalan ako ng trabaho, pinaalis sa bahay ng nanay ko, may $25,000 na utang sa credit card, at nakatira sa mga kalsada ng Camden, New Jersey. Nagsinungaling ako, nagnakaw, nandaya.

“Ginahasa ako, binugbog, ninakawan, inaresto, walang tahanan, maysakit at walang pag-asa. Alam kong walang puwedeng magkaroon ng ganoong klaseng buhay nang napakatagal at alam kong nalalapit na ang kamatayan. Kung anuman, ang kamatayan ay mas mabuti kaysa sa buhay bilang isang adik.”  – Alison