PANANDALIANG MGA EPEKTO
- Panandaliang mga problema sa alaala
- Matinding pagkabalisa, kabilang na ang takot na minamasdan o sinusundan (paranoia)
- Napaka-kakaibang pag-uugali, nakikita, naririnig o naaamoy ang mga bagay na wala roon, hindi masabi ang kaibahan sa pagitan ng imahinasyon o realidad (psychosis)
- Pagkataranta
- Mga guni-guni
- Kawalan ng pakiramdam ng pansariling pagkakakilanlan
- Bumagal na reaksiyon
- Bumilis na tibok ng puso (panganib ng atake sa puso)
- Paglaki ng panganib sa stroke
- Mga problema sa koordinasyon (sumisira sa ligtas na pagmamaneho o paglalaro ng sports)
- Sekswal na mga problema (para sa mga lalaki)
- Mga pitong beses na mas malamang na magkaroon ng mga impeksyong napapasa sa sekswal na paraan kumpara sa mga hindi gumagamit (para sa mga babae)
22, 32 & 33
PANGMATAGALANG MGA EPEKTO
- Pagbaba sa IQ (mga 8 puntos kung ang matagalang paggamit ay nagsimula sa pagbibinata o pagdadalaga)
- Mahina sa pag-aaral at mas mataas na posibilidad ng hindi pagtuloy sa pag-aaral
- Napahinang pag-iisip at kakayahang matuto at gumawa ng komplikadong mga gawain
- Mas mababang kasiyahan sa buhay
- Pagkalulong (mga 9% ng mga nakatatanda at 17% ng mga taong nagsimulang manigarilyo sa kanilang kabataan)
- Potensiyal na pagkakaroon ng pag-abuso sa opiate
- Mga problema sa relasyon, karahasan ng kapareha
- Antisocial na pag-uugali kabilang na ang pagnanakaw o pagsisinungaling
- Pampinansyal na kahirapan
- Mas mataas na pagdepende sa pagkakawanggawa
- Mas malalaking pagkakataon ng pagiging walang trabaho o hindi makakuha ng magagandang trabaho33
“Nagsimula akong gumamit dahil sa paghamon mula sa isang matalik na kaibigan na nagsabing napakaduwag ko para humithit ng droga at uminom ng isang bote ng beer. Labing-apat ako noon. Pagkatapos ng pitong taon ng paggamit at pag-inom, nakita ko ang sarili ko sa dulo ng landas na may pagkalulong. Hindi na ako gumagamit para makaramdam ng kaligayahan, gumagamit lang ako para makaramdam ng anumang pagkanormal.
“Pagkatapos ay nagsimula akong magkaroon ng hindi magagandang pakiramdam tungkol sa sarili ko at sa sarili kong mga kakayahan. Ayaw na ayaw ko ang paranoia [pagdududa, kawalan ng tiwala o takot sa ibang tao]. Ayaw na ayaw ko ang parati kong paglingon sa likuran ko. Ayaw na ayaw ko talaga ang hindi ko pagtitiwala sa mga kaibigan ko. Sobra akong hindi nagtiwala na matagumpay kong naitaboy palayo ang lahat at natagpuan ko ang sarili kong nasa isang nakakatakot na lugar na hindi gugustuhing puntahan ninuman—naging mag-isa ako. Nagigising ako sa umaga at magsisimulang gumamit at patuloy na gumagamit sa buong araw.” — Paul