LSD
Ang LSD ay ibinibenta bilang mga tableta, kapsula o likido. Ito ay karaniwang idinaragdag sa mga natutunaw na papel at hinati sa maliliit na napalamutiang mga parisukat. Ang bawat parisukat ay isang dosis.
Ang LSD ay isa pa rin sa pinakamalakas na kemikal na nakababago ng ugali at mula ito sa sobrang nakalalasong ergot fungus, isang amag na tumutubo sa senteno (rye) at iba pang mga butil. Ang mga epekto nito ay hindi mahulaan. Ang kakaunti ay maaaring lumikha ng mga epektong nagtatagal ng 12 oras o higit pa.
Panandaliang Mga Epekto:
Napalaking mga balintataw, mas mataas na temperatura ng katawan, mas mabilis na tibok ng puso at mataas na presyon ng dugo, pagpapawis, kawalan ng gana sa pagkain, hindi makatulog, nanunuyong bibig at mga panginginig. Ang mga tao ay maaaring makaranas ng matindi, nakatatakot na mga pangitain at mga pakiramdam, takot na mawalan ng kontrol, takot sa pagkabaliw at kamatayan at mga pakiramdam ng kawalan ng pag-asa habang gumagamit ng LSD.
Pangmatagalang Mga Epekto:
Ang mga “flashback”, o mga pagbabalik, ng isang LSD “trip” ay maaaring maranasan kahit na matagal nang nakalipas pagkatapos mainom ang droga at mistulang lumipas na ang epekto nito. Ang “trip” mismo ay karaniwang lumilipas pagkatapos ng 12 oras, ngunit ang ilang mga gumagamit ay nagpapakita ng pangmatagalang pagkabaliw.
MGA SIKAT NA TAWAG
diamonds Microdot Pane Purple Heart Superman Tab Window pane Yellow sunshine Zen