MGA DE-LANGHAP: ISANG MAIKLING KASAYSAYAN
Ang pagsinghot ng mga usok mula sa mga kemikal na tulad ng insenso, mga langis, mga dagta, mga pampalasa at mga pabango para makapagbago ng kamalayan, o bilang bahagi ng mga seremonyang pangrelihiyon, ay matatagpuan sa kasing-aga ng sinaunang mga panahon sa Ehipto, Babylonia (ngayong ay tinatawag nang Iraq,) India at Tsina.
Ayon sa ilang mananaliksik, ang pagsinghot ng mga usok ng gas para mabago ang estado ng kamalayan ng isang tao ay isinasagawa ng mga babaeng pari sa Orakulo ng Delphi1 sa sinaunang Gresya.
Noong unang banda ng 1800, ang nitrous oxide, ether at chloroform ay
mga pampamanhid na karaniwang ginagamit bilang mga pampalango.
Ang nitrous oxide ay itinuturing na murang pampalit sa alkohol at ito ay pinasikat ng siyentipikong Briton na si Sir Humphry Davy. Nagdaos siya ng mga pagdiriwang kung saan gumagamit ng nitrous oxide at ginawa niya ang salitang “laughing gas” noong 1799. Napansin ang mga pampamanhid na epekto, iminungkahi ni Davy na ang gas ay maaaring gamitin sa mga operasyon, ngunit hindi ito sinubok nang mahigit sa kalahating siglo.
Ang paggamit ng mga pampamanhid para sa pag-aaliw ay nagpatuloy sa kabuuan ng ika-19 siglo sa Europa at sa Estados Unidos.
Ang ether ay ginamit bilang isang drogang para sa pag-aaliw noong Prohibition era (panahon ng Pagbabawal) ng mga 1920, kung kailan ginawang ilegal ang alkohol sa Estados Unidos.
Noong mga 1940, ang pang-aliw na gamit ng mga solvent, sa pangunahin ay gasolina, ay naging popular.
Ang pag-abuso sa mga de-langhap sa Estados Unidos ay dumami noong mga 1950 at laganap na ito ngayon sa mga ito ngayon ay kalat sa mga nagbibinata o nagdadalaga.
Noong mga 1960, ang gawain ng pagsinghot ng solvent ay kumalat na sa maraming iba’t ibang klase ng komersyal na mga produkto kabilang na ang mga thinner para sa pintura, pantanggal ng manicure, pampakintab ng sapatos, likido para sa lighter, spray paint at iba pa.
Sa kamakailang mga taon, ang pagsinghot ng glue at gas ay naging isang malawakang suliranin sa mga walang tahanang batang kalye sa Timog Asya, Mehiko, Silangang Europa, Kenya at iba pang mga lugar sa buong mundo. Ginagamit ng mga batang kalye ang mga de-langhap na ito para mamanhid sa sakit ng gutom, lamig at kawalan ng pag-asa.
Ang pagsinghot ng gas at spray paint ay karaniwan din sa mga liblib na mga rehiyon sa Canada, America, Australia, New Zealand at ilang mga Isla Pasipiko.
- 1. Naniniwala ang mga Griyegong nakikipag-usap ang diyos na si Apollo sa babaeng mga pari sa pamamagitan ng Orakulo ng Delphi, isang sinaunang dambana.