PANDAIGDIGANG ESTADISTIKA
Ayon sa Estados Unidos, 158.8 milyong tao sa buong mundo ang gumagamit ng marijuana—higit pa sa 3.8% ng populasyon ng mundo.
- Higit sa 94 milyong tao sa Estados Unidos ang umamin sa paggamit nito kahit minsan lamang.
- Ayon National Survey on Drug Use and Health (Pambansang Sarbey sa Paggamit ng Droga at Kalusugan) noong 2007, 2.1 milyong tao sa Estados Unidos ang umabuso ng marijuana sa kauna-unahang pagkakataon sa taong iyon.
- Sa mga batang edad 12 hanggang 17, 6.7% ang kasalukuyang gumagamit ng marijuana noong 2007.
- Ayon sa mga tantiya ng pamahalaan ng Estados Unidos, ang paggawa ng marijuana sa bahay ay tumaas ng sampung doble sa loob ng 25 taon: mula sa 1,000 metrong tonelada (2.2 milyong libra) noong 1981 hanggang 10,000 metro tonelada (22 milyong libra) noong 2006. Hindi rin nakagugulat, 58% sa mga batang may edad 12 hanggang 17 ang nagsasabing madaling makakuha ng pot. Gumagastos ng mga $10.5 bilyon sa droga ang mga gumagamit ng marijuana sa Estados Unidos noong taong 2000.
- Noong 2005, 242, 200 pagbisita sa emergency room sa Estados Unidos ay may kinalaman sa marijuana.
- Ayon sa Drug Enforcement Administration ng Estados Unidos, malaking porsiyento ng mga naaresto ay positibo sa marijuana. Sa buong bansa, 40% ng mga nakatatandang lalaki ang positibo sa marijuana sa panahon ng pagkakaaresto sa kanila.
- Sa mga nakatatandang 26 anyos o higit pa na gumamit ng marijuana bago ang edad na 15 taong gulang, 62% ang nagpatuloy sa paggamit ng cocaine sa alinmang punto sa buhay nila; 9% ang nagpatuloy sa paggamit ng heroin kahit minsan man lamang; at 54% ang nagsagawa ng hindi medikal na paggamit ng mga inireresetang gamot na nakababago ng lagay ng isip (mind-altering prescription drugs).
- Sunod sa alkohol, marijuana ang pinakamadalas na matagpuang substansya sa mga katawan ng mga drayber na kabilang sa nakamamatay na mga sakunang pang-sasakyan.