ANG KATOTOHANAN TUNGKOL SA MGA SINTETIKONG DROGA
Drug-Free World Foundation ng Japan Pinabulaanan Ang
Mga Kasinungalingang Nagpapakilala sa Mga Designer Drug Bilang “Hindi Mapanganib”

Ang sintetikong marijuana ay tinatawag na dappo habu sa Japan—“mga drogang nakakaligid sa batas”—at ang hindi sikat nitong pangalan ay maaaring isang mahalagang salik sa mababang kaalaman ng publiko tungkol sa mapapanganib na epekto nito. Gayunpaman mula Enero hanggang Mayo 2012, higit pa sa 100 naiulat na mga pagbisita sa emergency room ay kaugnay sa mga sintetikong droga.

Sa isang kampanya para makapagpataas ng pampublikong kaalaman sa mga panganib ng droga, si Nao Mazaki, tagapamahala ng sangay ng Foundation for a Drug-Free World sa Japan, ay inalam muna ang mga ugali tungo sa droga, lalo na sa mga kabataan—ang pangunahing puntirya ng mga gumagawa ng mga sintetikong droga.

magbasa pa >>

PAMPANAUHING HANAY
Nagbibigay-lakas sa Epektibong Edukasyon sa Isang Pangunahing “Drug Pipeline”

Si John Redman ay ang Ehekutibong Direktor ng Community Alliances for Drug-Free Youth na naka-base sa San Diego.

Ang misyon ng Community Alliances for Drug-Free Youth (CADFY) ay ang magtaguyod mga komunidad na ligtas at malaya sa droga. Ganoon ang ginagawa namin sa pagsuporta sa National Drug Control Strategy (Stratehiya para sa Pambansang Pagkontrol sa Droga), na iniutos mula sa President’s Office of National Drug Control Policy (Tanggapan ng Pangulo para sa Pambansang Patakaran sa Pagkontrol sa Droga).

Ang aming tatluhang paraan sa pagbawas sa pag-abuso sa droga ay sa pamamagitan ng sumusunod:

  1. interdiction—pagpapahinto sa pagdaloy ng droga sa aming border at sa aming sambahayan
  2. treatment—pagpapagaling sa mga taong naapektuhan ng pag-abuso sa droga, at
  3. prevention—paniniguradong kahit kailan ay walang batang tutuloy sa madilim na landas na iyon ng pag-abuso sa droga. Ang pag-agap sa pamamagitan ng edukasyon ay napakalapit sa aking puso, at dahil dito, isang karangalan ang makipagtrabaho sa Foundation for a Drug Free World. Ang kanilang mga materyales ang pinakamahusay na nakita ko.

magbasa pa >>



Hepe ng Pulisya Pinuri Ang
PROGRAMANG ANG KATOTOHANAN TUNGKOL SA
MGA DROGA

Bilang Hepe ng Polisya ng Babbitt, Minessota, at isang EMT at bumbero rin, nakapagligtas na ng mga buhay si Chad Loewen. Isa siya sa mga PD officers ng Babbit na nakatanggap ng komendasyon para sa pagliligtas ng buhay. Sa kanyang dalawang papel bilang Hepe at pinuno ng edukasyon sa droga para sa departamento, sinasabi niyang ngayon ay nagliligtas siya ng mga buhay sa pamamagitan ng programa ng Foundation for a Drug-Free World na Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga. Ang mga sumusunod ay sipi mula sa isang sulat na ipinadala niya sa Foundation.

“Walang nakakaunawa ng positibong epekto ng isang solidong programang pang-edukasyon tungkol sa droga higit pa sa mga ahensiyang tagapagpatupad ng batas, ngunit sa kasawiang palad, maraming departamento ang hinaharap ng paggugol ng kanilang
mga pondo sa paglaban sa mga krimeng may kinalaman sa droga sa halip na sa pagbibigay-edukasyon tungkol sa droga o pag-agap sa droga.

“Isang simpleng paghahanap sa internet anim na taon na ang nakakaraan ang nagdala sa akin sa Foundation for a Drug-Free World. Tinitingnan ko kung ano pang ibang mga programang pang-edukasyon tungkol sa droga ang naroon at pakiramdam ko ay nakuha ko ang jackpot. Ang natagpuan ko ay mga sagot sa pinakakaraniwang tinatanong ng mga estudyante ko. Ang programang Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga ay nagbibigay ng detalyadong mga pamphlet sa mga pinaka-karaniwang inaabusong mga droga at nagbibigay sa
mga tagapagturong tulad ko ng mga materyal na kinakailangan para maging eksperto sa silid-aralan tulad ng kung ano ang inaasahan mula sa amin.

magbasa pa >>

IDINADAAN SA BILANG

Website » ang drugfreeworld.ph ay may higit pa sa 12 milyon bisita kada taon, ginagawa itong isa sa pinaka-binibisitang website tungkol sa edukasyon at pag-agap sa droga.

Edukasyon sa Mga Paaralan Tungkol sa Katotohanan Tungkol sa Mga Droga

Slovakia Leksiyon sa 120,799 estudyante sa 2,663 paaralan
Venezuela Leksiyon sa 450,000 estudyante sa 1,346 paaralan
Taiwan Leksiyon sa 307,965 estudyante sa 921 paaralan


MGA KATOTOHANAN
Paggawa ng “Legal” na Mga Droga

Para maintindihian ang sintetikong marijuana at iba pang mga sintetikong droga, kailangang malaman ng isang tao kung ano ang “designer drug.”

Ang designer drug ay isang sintentikong bersiyon ng isang ilegal na droga. Ang kemikal na komposisyon nito ay bahagyang binago para maiwasan ang klasipikasyon bilang ilegal. Sa katunayan ay isa itong eksperimento ng isang tagong kimiko para makalikha ng bagong “legal” na droga.

Kapag nahuli ng tagapagpatupad ng batas ang sintetikong droga at ipinagbawal ito, lilikha ang tagong mga kimiko ng isa pang nabagong bersiyon na ngayon ay makakatakas mula sa “ilegal” na klasipikasyon. At sa gayon ay umuulit ang siklo.



FOUNDATION FOR A DRUG-FREE WORLD
Ipinagdiriwang Ang Pandaigdigang Selebrasyon Laban sa
Mga Droga

Para sa Pandaigdigang Pagdiriwang Laban sa Pag-Abuso sa Droga at Ipinagbabawal na Trapiko ng Nagkakaisang Mga Bansa, noong ika-26 ng Hunyo, ang Foundation for a Drug-Free World ay nagsaayos ng higit pa sa 200 event tungkol sa kamalayan tungkol sa droga, namigay ng
mga materyal na pang-edukasyon ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga sa 28 bansa sa anim na kontinente, at nagdala ng mensahe laban sa droga sa mga 250,000 tao.

Ang pangunahing event ng Foundation ay ginanap sa mga bulwagan ng Kongreso ng Estados Unidos sa Capitol Hill, na kinalahukan ng mga Miyembro ng Kongreso at mga opisyal mula sa Drug Enforcement Administration.

Ginanap din ang mga Drug-Free World Event sa buong mundo:

» Europe/Middle East
Austria, Belgium, Denmark, France, Germany, Greece, Hungary, Israel, Italy, Russia, Spain, Sweden, Switzerland, United Kingdom

» Africa
Algeria, Kenya, Lesotho, South Africa, Zimbabwe

» Asia
Japan, Taiwan

» Australia
Australia, New Zealand

» North America
United States, Canada, Mexico

» South America
Costa Rica, Venezuela


ANG EPEKTIBONG EDUKASYON TUNGKOL SA MGA DROGA AY NAGLILIGTAS NG MGA BUHAY

Suportahan ang Foundation for a Drug-Free World at tumulong na protektahan ang mga buhay ng mga bata mula sa nakasisirang mga epekto ng mga droga. Ang inyong mga kontribusyon ay nagpapahintulot sa aming gawing libre ang aming mga materyal na pang-edukasyon sa mga paaralan, mga organisasyong pang-kabataan at iba pang mga grupo at indibidwal. Ang inyong suporta ay tumutulong na bigyang-lakas ang mga tao sa mga katotohanang kailangan nila para mabuhay nang malusog at malaya sa droga.