ISANG HUNYONG KARAPAT-DAPAT ALAALAHANIN—IPINAPAKITA NG DRUG-FREE WORLD NEW YORK KUNG PAANO ITO GINAGAWA
Sinakop ng Drug-Free World New York chapter ang buong Hunyo sa pamamagitan ng mga event sa kalakhan ng siyudad, mula sa Puerto Rican Day Parade, hanggang sa United Nations, hanggang sa isang Heroes Awards Gala, at iba pa.
Ang sabihing naging abala ang aming New York Drug Free World (DFW) chapter ay isang hindi sapat na pahayag. Noong idineklara ng US Department of Health and Human Services (Kagawaran ng Kalusugan at Serbisyong Pantao ng Estados Unidos) ang epidemya ng opiod bilang isang public health emergency, wala nang panahon para magpahinga.
Isa lamang halimbawa ng kanilang walang-pahingang pagtatrabaho ang Hunyo ng 2018. Nagsimula itong lahat sa isang Drug-Free Basketball Tournament sa Medgar Evers College sa Brooklyn, kung saan co-host si Bobby “Zorro” Hunter, Presidente ng Retired Harlem Globetrotters.
Sumunod ay ang ika-11 Taunang Drug-Free Heroes Awards gala, kinikilala ang 15 tumanggap ng gantimpala para sa kanilang dedikasyon sa pagbibigay-edukasyon tungkol sa mga droga. Kinabibilangan sila ng mga miyebro ng Departamento ng Pulisya ng New York, isang New York state trooper, ng Miss New York at iba pa.
Agad na sumunod dito ay ang Ikalawang Taunang Truth About Drugs Concert sa Canarsie Park sa Brooklyn, na sinalihan ng organisasyong My Time Inc., ng Speak Life Tour, ng lokal na Departamento ng Pulisya ng New York at iba’t iba pang mga artista.
Sa parehong araw na iyon, ginanap sa United Nations ay ang International High-Level Conference on Drug Education, Sports and Cultural Empowerment, na sinusuportahan ng Permanent Mission of Senegal at ng International Human Rights Commission. Nagsalita rin si Heneral Edwin Najera, Direktor ng DFW Guatemala, mga opisyal ng Siyudad ng New York at iba pa.
Noong idineklara ng US Department of Health and Human Services (Kagawaran ng Kalusugan at Serbisyong Pantao ng Estados Unidos) ang epidemya ng opiod bilang isang public health emergency, wala nang panahon para magpahinga.
Ngunit sa siyudad na binansagang “the city that never sleeps” (ang siyudad na kailanman ay hindi natutulog), tumuloy sila kaagad sa isang Drug-Free World float sa Puerto Rican Day Parade, na sinamahan ng Harlem Wizards at ni Miss Manhattan, si Michelle Ley. Nagsagawa ang Wizards ng mga eksibisyon sa basketball sa harap ng mga tao at namahagi ng 4,000 booklet ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga sa kahabaan ng parada.
Pagkatapos ay naganap ang pangwakas na event sa Church of Scientology New York, kung saan ang mga miyembro ng Alliance of Chaplians and Law Enforcement Association ay nagkatipun-tipon para magplano kung paanong ang iba’t ibang mga paniniwala ay maaaring magtulung-tulungan sa komunidad. Dahil maaaring mabitag ng mga droga ang kahit na sino, ang mga materyales ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga ay kagamitan para sa kahit na sino.
MGA KATOTOHANAN
MGA BATANG GUMAGAMIT NG DROGA
Ang layunin ng Drug-Free World ay ang maabot ang mga bata bago sila maabot ng mga droga, at heto ang mga dahilan kung bakit:
11%
NG LAHAT NG ALKHOL
na iniinom sa Estados Unidos ay mula sa mga kabataang edad 12 hanggang 20.
35%
NG MGA ESTUDYANTE
sa European Union ay nakilahok maramihang pag-inom sa loob lamang ng isang buwan.
35.1%
NG MGA GRADE 12 NA ESTUDYANTE
sa Amerika ang humithit ng pot noong nakaraang taon
13%
NG MGA TAO
na nagsimulang humithit ng pot noong teenager sila ay dumedepende rito
50%
NG MGA KABATAAN
ay malamang na hindi gumamit ng mga droga kapag nalaman nila ang tungkol sa mga droga mula sa kanilang mga magulang kumpara sa mga kabataang hindi nakarinig tungkol doon mula sa mga magulang nila
MAGLIGTAS NG MGA BUHAY NG KABATAAN
Suportahan ang Foundation for a Drug-Free World at tumulong sa pagprotekta sa mga buhay ng kabataan mula sa nakasisirang mga epekto ng mga droga. Ang inyong mga kontribusyon ay nagpapahintulot sa aming gawing libre ang aming mga materyal na pang-edukasyon sa mga paaralan, mga organisasyong pang-kabataan at iba pang mga grupo at indibidwal. Ang inyong suporta ay tumutulong na bigyang-lakas ang mga tao sa mga katotohanang kailangan nila para mabuhay nang malusog at malaya sa droga.