IPINAMAHAGI NG CANADA DAY PARADE ANG KATOTOHANAN

Sumali ang Drug-Free World sa Canada Day Parade sa Cambridge, namimigay ng mga booklet ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga habang dumaraan sila.

Nakisali ang Drug-Free World Canada sa Canada Day Parade para masabi sa mga kabataan ang katotohanan tungkol sa mga droga.

Ang Canada Day ay ipinagdiriwang bawat taon sa ika-1 ng Hulyo. Inaalala nito ang pagsasama-sama ng mga orihinal ng probinsya ng Canada bilang iisang bansa noong 1867.

Gayunpaman, ang soberanyang bansa ng Canada ay nasa kalagitnaan ng sarili nitong krisis sa mga droga at mga opioid, at habang “harm reduction” (pagbawas sa kapahamakan) ang para bang ang sigaw ng mga nakikipagbuno rito, ang Drug-Free World Canada ay nakatuon sa demand reduction (pagpapababa ng demand para sa mga droga). Ang kanilang istratehiya ay bigyang-edukasyon ang kabataan sa katotohanan tungkol sa kung ano ba ang mga droga at kung paano nila napapahamak ang gumagamit para makapagpasya sila mismo na kailanman ay hindi man lamang subukang gumamit ng mga ito.

Iyon ang dahilan kung bakit ang Canada Day Parade, pampamilya at punung-puno ng mga kabataan, ay isang perkpektong paraan para maipamahagi ang mensahe, lalo na sa Cambridge.

Isang oras mula sa Toronto—ang pinakamalaking siyudad ng Canada—ang Cambridge ay isang siyudad kung saan mas marami pang tao ang namatay dahil sa overdose (pagkasobra sa dosis ng droga) kumpara sa kalapit na mga siyudad na Kitchener at Waterloo.

Sa gayon, sa Cambridge Canada Day Parade, 15 DFW volunteer ang nakilahok na may banner na nagsasabing, “Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga: Puwede kang mapatay ng hindi mo alam.” Nag-martsa sila kasama ng iba pang mga makataong organisasyon at mga pamilya habang nagpaparada sila sa mga kalsada ng Cambridge. Habang nagaganap iyon, namigay sila ng mga booklet ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga sa higit pa sa 7,000 kataong dumalo, at lalo na sa mga kabataan. Pagkatapos ng parada, mayroong booth ang DFW kung saan mas marami pang mga materyales para sa mga residente at isang bouncy house at barbecue para sa mga pamilya para sapat nilang maipagdiwang ang araw.


NAIS talaga NAMING MAKARINIG MULA SA INYO

Heto ang sinasabi ng mga US school resource officer, responsable para sa kaligtasan at pagbaba ng mga krimen, tungkol sa Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga.

SCHOOL RESOURCE OFFICER, CALIFORNIA

Naririndi na ang mga tao sa pagsasalita ko! Ang paborito kong kasabihan, at isa na palagi kong ginagamit, ay ang “Walang nagsasabing ‘Paglaki ko, gusto kong maging drug addict.’” Ang mga ito ang pinakamahusay na mga materyales na puwedeng ipamigay.

SCHOOL RESOURCE OFFICER, ARIZONA

Puwede kong maibigay ang mga materyales sa mga bata at mga magulang at mga guro, at isa itong bagay na wala sa ibang tao bilang mga materyales. Palagi naming kasa-kasama ang mga materyales ninyo. Ginawa ninyo ang pananaliksik at naroon ang mga ito sa mga materyales. Noong nakuha namin ang inyong mga materyales, wala na kaming iba pang mga materyales na ginamit.

SCHOOL RESOURCE OFFICER, ARKANSAS

Ang pinakamahalagang resultang nakikita ko sa paggamit ng programang ito ay inilalantad nito ang mga kabataan sa realidad ng kung bakit hindi dapat sila gumagamit ng mga droga. Hindi lamang sila sinasabihan nito ng kung ano ang maaaring mangyari kung magpasya silang tumuloy sa landas ng paggamit ng mga droga. Natatanggap ng mga estudyante ang impormasyon sa anyong katotohanan at naririnig ang mga ito sa mga adik na nagpapagaling. Ginagawa nitong talagang mas madaling gawing abala ang klase sa leksiyon sa halip na magsimula kami sa simula.

SCHOOL RESOURCE OFFICER, TEXAS

Nakatutulong ang mga materyales dahil madali itong maipamigay sa mga outreach event sa mga paaralan, mga simbahan, atbp. Tinutulungan nito ang aming komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay-edukasyon at pagpapaalam sa kanila ng mga panganib ng mga droga.

SCHOOL RESOURCE OFFICER, NEVADA

Naniniwala akong natulungan ko ang ilang batang makagawa ng mas mahuhusay na mga desisyon at hindi tumuloy sa mga droga. Napakarami ng mga batang kinontak ko na walang ideya tungkol sa katotohanan tungkol sa mga droga at ngayon ay naiintindihan na nila ang mga panganib.


MGA KATOTOHANAN

MGA BATANG GUMAGAMIT NG DROGA

Ang layunin ng Drug-Free World ay ang maabot ang mga bata bago sila maabot ng mga droga, at heto ang mga dahilan kung bakit:

11%

NG LAHAT NG ALKHOL

na iniinom sa Estados Unidos ay mula sa mga kabataang edad 12 hanggang 20.

35%

NG MGA ESTUDYANTE

sa European Union ay nakilahok maramihang pag-inom sa loob lamang ng isang buwan.

35.1%

NG MGA GRADE 12 NA ESTUDYANTE

sa Amerika ang humithit ng pot noong nakaraang taon

13%

NG MGA TAO

na nagsimulang humithit ng pot noong teenager sila ay dumedepende rito

50%

NG MGA KABATAAN

ay malamang na hindi gumamit ng mga droga kapag nalaman nila ang tungkol sa mga droga mula sa kanilang mga magulang kumpara sa mga kabataang hindi nakarinig tungkol doon mula sa mga magulang nila


MAGLIGTAS NG MGA BUHAY NG KABATAAN

Suportahan ang Foundation for a Drug-Free World at tumulong sa pagprotekta sa mga buhay ng kabataan mula sa nakasisirang mga epekto ng mga droga. Ang inyong mga kontribusyon ay nagpapahintulot sa aming gawing libre ang aming mga materyal na pang-edukasyon sa mga paaralan, mga organisasyong pang-kabataan at iba pang mga grupo at indibidwal. Ang inyong suporta ay tumutulong na bigyang-lakas ang mga tao sa mga katotohanang kailangan nila para mabuhay nang malusog at malaya sa droga.