Basahin: Ano ang N-bomb?
ANO ANG N-BOMB?
N-BOMe, karaniwang tinatawag na “N-bomb” o “Smiles,” ay isang malakas na sintetikong pampaguni-guni na ibinebenta bilang alternatibo sa LSD o mescalina (isang pampaguni-guning drogang gawa mula sa isang halamang cactus). May iba’t ibang uri ng drogang ito, ngunit ang 251-NBOMe, kadalasang pinapaikli bilang “251,” ay ang pinaka-inaabuso at matapang nitong anyo. Ang mga epekto ng kakaunti lamang ng droga ay maaaring magtagal ng mga 12 oras o mas matagal pa.
Ang N-bomb ay lumilikha ng isang pampaguni-guning epekto na katulad ng sa LSD sa napakalilit na dosis. Inuulat ng mga gumagamit ang negatibong mga epekto at mga epekto pagkatapos ng drogang ito ay mas malala pa kaysa sa LSD. Ginagaya rin nito ang mga epekto ng methamphetamine.12
Ang dosis ng 750 mikrogramo, na itinuturing na katamaman o mataas na dosis, ay halos kasindami ng anim na maliliit na butil ng regular na asin.
Ang N-bomb ay ibinebenta sa likido o pulbos na anyo o sa naibabad na blotter paper. Mayroon itong matapang na mapait na mala-bakal na lasa, at ang ilang nagbebenta ay nagdaragdag ng mint o prutas na lasa sa likido at sa blotter na anyo nito.
Dahil sa ang N-bomb ay hindi lumilikha ng epekto kapag nalunok, inilalagay ito ng mga gumagamit nito sa ilalim ng dila, kung saan ito natutunaw at nakukuha ng katawan. Iniinheksiyon ito ng ilang
mga gumagamit, nilalanghap, ginagawang singaw at nilalanghap ito, o ipinapasok sa puwitan. Alinman sa mga paggamit na ito ay delikado dahil kakaunting butil lamang ang kailangan para makagawa ng epekto, at napakadaling mag-overdose—minsan ay may nakamamatay na resulta.
Talagang nakakalason ang N-bomb na nangangailangan na naka filter mask, guwantes at salamin habang hinahawakan ito. Problema rin ito para sa mga tagapagpatupad ng batas, dahil maaari silang mamatay sa sobrang dosis dahil lamang sa hindi pagsusuot ng proteksiyon kapag nangongolekta ng ebidensiyang droga mula sa isang suspek.
Dahil ang N-bomb ay naibenta sa ilalim ng pangalan ng iba pang droga, maaaring gamitin ng
mga gumagamit ng droga ang dosis ng drogang pinaniniwalaan nilang ginagamit nila, na maaaring magresulta sa nakamamatay na overdose (pagkasobra sa dosis ng droga).
N-BOMB
|
|
|
|
“Pakiramdam ko ay napunit na ang isipan ko at patuloy kong pinagdudahan ang lahat ng nagawa at sinabi ko... Pakirdamdam ko ay nagkaroon ako ng parang post-traumatic stress mula sa karanasang ito. Pakiramdam ko ay nagkarooon ako ng social disorder dahil hindi ako makakausap ng mga taong hindi ko kilala at pakiramdam ko ay magkakaroon ako ng anxiety attack sa pagtingin lamang sa mata ng isang tao... ang 251-NBOMe ay hindi isang drogang dapat paglaruan... kahit kailan ay hindi na ako gagamit ng 251.” —F.M.