3. Basahin ang booklet

Basahin: Ano Ang Sintetikong Droga?

Ano Ang Sintetikong Droga?

Ang mga sintetikong droga ay nilikha gamit ang mga kemikal na gawa ng tao sa halip na natural na mga sangkap.

Ilang mga sintetikong droga sa merkado, kabilang na ang Ecstasy, LSD at methamphetamine, ay inilalarawan sa ibang booklet sa serye ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga. Ang booklet na ito ay nagbibigay ng katotohanan tungkol sa “sintetikong marijuana” (Spice o K2), “mga sintetikong pampasigla” (Bath Salts) at isang drogang kilala bilang “N-bomb.” Ang mga ito ay ilan sa mga sintetikong drogang kilala bilang mga “designer drug.”

MGA DESIGNER DRUG —ISANG MAPANGANIB NA EKSPERIMENTO

Para maintindihan kung ano ang sintetikong marijuana at Bath Salts, at paano sila nalikha, kailangan mong malaman kung ano ang “designer drug”. Ang designer drug ay isang sintetikong (nilikha sa kemikal na paraan) bersyon ng isang ilegal na drogang binago nang bahagya para maiwasan ang pagkaka-klasipika dito bilang ilegal. Sa katunayan ay isa itong eksperimento ng isang kimikong ginawa para makalikha ng isang bagong drogang maibebenta nang legal (sa Internet o sa mga tindahan), nagpapahintulot sa mga nagbebenta na kumita ng pera nang hindi nilalabag ang batas. Habang nasasabayan na ng mga tagapagpatupad ng batas ang mga bagong kemikal na nililikha nang ganoon at ginagawang ilegal ang mga ito, lumilikha ang mga manggagawa ng droga ng mga binagong bersiyon para makaiwas sa batas. Sa gayon ay umuulit ang siklo.

Ilan sa mga drogang ito ay ibinebenta sa Internet o sa partikular na mga tindahan (bilang mga “herbal smoking blend”, mga halo ng mga halamang gamot na ginagamit sa pagpapausok), habang ang iba ay binabalatkayo bilang mga produktong may tatak na “hindi para sa paggamit ng tao” (tulad ng “herbal incense,” “plant food,” “bath salts” o mga “panlinis ng alahas”) para matakpan ang kanilang inilalayong gamit at para makaiwas sa mga patakaran sa kalusugan at kaligtasan.

Dahil sa patuloy na paglaki ng bilang ng mga kemikal na ginagawa, ang mga gumagamit ng
mga designer drug ay walang paraan ng pag-alam sa kung ano ang maaaring nilalaman ng mga drogang ginagamit nila. Karagdagan pa, isang maliit na pagbabagong ginawa sa isang kilalang droga ay maaaring magresulta—at kadalasang nagreresulta—sa isang bagong droga na may talagang ibang epekto, hindi mahulaan ng mga gumagamit ang epekto sa kalusugan mula sa mga substansyang pinag-eeksperimentuhan nila.

Sa Estados Unidos, mga 200 hanggang 300 bagong designer drug ang natukoy sa pagitan ng 2009 at 2014, karamihan sa kanila ay ginawa sa China.1 Higit pa sa 650 bagong designer drug ang kumalat sa Europa sa nakaraang sampung taon. Ilan ay nagtataglay ng mga kemikal na hindi pa ganap na natutukoy, na may mga epekto sa katawan at isipan ng tao na hindi pa kilala.2