Basahin: Mga Estadistika at Mga Katotohanan
MGA ESTADISTIKA AT MGA KATOTOHANAN
• Ang mga tawag sa mga poison control center (mga sentrong sumasagip sa mga nalason) na kaugnay sa paggamit ng sintetikong marijuana ay tumaas sa Estados Unidos nang halos 80 porsiyento sa pagitan ng 2010 at 2012.3
• Natuklasan ng isang ulat ng pamahalaang Estados Unidos noong 2013 na ang bilang ng mga pagbisita sa emergency department ng mga ospital noong 2011 na may kinalaman sa nakalalasong mga reaksiyon sa sintetikong marijuana ay tumaas nang 2.5 beses, at umabot sa 28,531.1
• Noong 2014, ang “K2” mula sa isang tagapagbenta mula sa Texas ay naiugnay sa 120 na overdose (pagkasobra sa dosis ng droga) sa Austin at sa Dallas sa loob lamang ng isang linggo.
Maraming nakamamatay na aksidente sa sasakyang naitala na kinabibilangan ng mga taong nasa ilalim ng impluwensiya ng sintetikong
• Habang nagmamaneho, isang 62 taong gulang na lalaki ang hinampas ng isang 20 taong gulang na lalaki na lumabas na positibo sa sintetikong marijuana.
• Isa pang 20 taong gulang na lalaki ang bumangga sa isang puno at namatay pagkatapos ng paghithit sa sintetikong marijuana.
• Magkapatid na babae at lalaki ang napatay noong may trak ng basura na mahagibis na umandar nang 500 talampakan sa harang sa gitna ng highway sa 55 mph at hinati ang bubungan ng kanilang sasakyan. Umamin ang nagmamaneho ng trak sa paggamit ng sintetikong marijuana.