3.7 Basahin ang booklet

Basahin: Bath Salts: Isang Maikling Kasaysayan

BATH SALTS: ISANG MAIKLING KASAYSAYAN

Ang mga drogang kilala ngayon bilang Bath Salts ay unang nilikha sa Pransiya noong 1928 at 1929. Ang ilan ay orihinal na sinaliksik para sa potensiyal na medikal na paggamit, ngunit karamihan sa mga drogang nilikha ay hindi matagumpay dahil sa masasamang mga side effect, kabilang na ang
pag-asa sa droga. Ang pag-abuso sa mga drogang ito ay nagsimula sa dating Unyong Sobiet noong mga 1930 at 1940, kung saan ginamit ang
mga ito bilang mga antidepressant. Kilala rin bilang “Cat” at “Jeff,” nagkamit sila ng kasikatan sa Estados Unidos noong mga 1990.

Sa pagitan ng 2004 at 2008, ginamit ang mga drogang ito sa Israel hanggang sa ginawang ilegal ang pangunahing sangkap nito. Noong 2007, nagkamit ang mga ito ng mas malawak na kasikatan sa
mga gumagamit ng droga noong nagsimula ang mga itong lumitaw sa mga drug forum sa Internet.

Natuklasan sa pagsusuri ng mga pildoras ng “Ecstasy” sa Netherlands noong 2009 na higit sa kalahati ng mga pildoras ay hindi nagtataglay ng pangunahing droga na nauugnay sa Ecstasy, ngunit
mga drogang matatagpuan sa Bath Salts.10

Noong 2012, dalawa sa pangunahing mga sangkap na ginaggamit sa Bath Salts ay ginawang ilegal sa Estados Unidos.11 Gayunpaman, ang mga lihim na kimiko ay lumikha ng iba-ibang uri na may bahagyang ibang kemikal na mga pormula—at lantaran silang ginagawang sikat bilang Bath Salts, o ipnakete silang muli bilang “Glass Cleaner” (panlinis ng salamin) o iba pang mga pangalan.