3.1 Basahin ang booklet

Basahin: Sintetikong Marijuana Hindi Isang “Natural na High”

SINTETIKONG MARIJUANA
HINDI ISANG “NATURAL NA HIGH”

Ang sintetikong marijuana, mas kilala bilang Spice o K2, ay isang paghahalo ng mga halamang gamot at mga pampalasa na winisikan ng kemikal na may pagkakatulad sa THC, ang sangkap na nakakabago ng isipan na matatagpuan sa marijuana.

Ang mga sintetikong drogang tulad ng Spice at K2 ay kadalasang ipinapahayag nang mali bilang “ligtas,” “natural” at “legal” na mga high. Ang katotohanan ay hindi sila talaga legal at tiyak na hindi natural o ligtas.

Ipinakita ng kemikal na mga pagsusuri na sa lahat ng kaso, ang aktibong sangkap sa mga drogang ito ay sintetikong mga kemikal na may mapapanganib na nakalalasong epekto. Higit pa roon, dahil ang kemikal na komposisyon ng mga produktong ibinebenta bilang Spice at K2 ay hindi alam, walang ideya ang mga gumagamit kung anong mga kemikal ang inilalagay nila sa katawan nila o kung anu-ano ang mga magiging epekto. At, dahil ang mga halamang gamot at mga pampalasa ay maaaring mawisikan nang hindi pantay-pantay, maaaring maging iba-iba ang tapang nito.

Ang sintetikong marijuana ay may kaanyuan ng tuyong mga dahon at karaniwang ibinebenta sa maliliit na mala-pilak na plastic bag bilang “herbal incense” o “potpourri.” Ipinapahayag din ito sa likidong anyo nito para paggamit sa mga vaporizer.

Kadalasang hinihithit ito sa binilot na mga joint, mga pipa o mga e-cigarette, at ang ilang
mga gumagamit ay ginagawa itong tsaa o ginagamit ito sa mga paraan ng pagluluto ng mga brownie. Ginagamit rin ito sa singaw na anyo nito sa pamamagitan ng ilong o sa likidong anyo.



SINTETIKONG MARIJUANA
SIKAT NA MGA TAWAG

  • K2
  • Spice
  • Algerian blend
  • Aroma
  • Black Mamba
  • Blaze
  • Bliss
  • Bombay Blue
  • Bonsai-18
  • Chaos
  • Chill
  • Dream
  • Fake pot
  • Fake weed
  • Genie
  • Lava
  • Mojo
  • Mr. Happy
  • Mr. Smiley
  • Phantom Wicked
  • Red X Dawn
  • Scooby Snacks
  • Sence
  • Sensation Serenity
  • Silent Black
  • Skunk
  • Smoke
  • Space Diamond
  • SpicyXXX
  • Spike 99
  • Tai Fun
  • Wicked X
  • Yucatan Fire
  • Zen