3.11 Basahin ang booklet

Basahin: Ano Ang Sasabihin sa Iyo ng Mga Nagbebenta ng Droga sa Internet

ANO ANG SASABIHIN SA IYO NG MGA NAGBEBENTA NG DROGA SA INTERNET

Ilan sa pinakamahuhusay na puntong ginagamit sa pagbebenta ng mga nagbebenta sa kanilang patalastas sa internet ay na ang kanilang mga produkto ay “natural” at “legal” at sa gayon ay “ligtas.”

Inilarawan ng mga nagbebenta ang Spice o K2 bilang “ang pinakamagandang trip sa buhay,” “pambihirang high” at sinasabi pang gagawin ng drogang “napakagandang pagtatagpo ang isang napaka-ordinaryong gabi.”

Ang mga website na nagtataguyod ng Bath Salts ay gumagamit ng mga slogan na tulad ng:

“Magiging pakiramdam mo ay bagong silang na sanggol ka.”

“Ibibigay sa iyo ng Bath Salts ang enerhiyang kakailanganin mo para sa mahabang gabi ng saya.”

Ang N-bomb ay itinataguyod din sa mga website na nagbibigay-anyo sa mga ito na ligtas at legal. Sinusubukan ng ilang mga site na isingit ito sa pagpapanggap nilang sila ay mga lehitimong parmasya o tagapamahagi ng mga kemikal, nagpapanggap na nakukuha nila ang kanilang mga droga mula sa “mga kagalang-galang na laboratoryo” na nakabase sa Tsina, India at iba pang mga bansa.

Sasabihin sa iyo ng mga nagbebenta o nagtataguyod na “Pambihira talaga ito!”

“Magiging napakaganda ng pakiramdam mo” at “Dadalhin ka nito sa ganap na kakaibang mundo.”

Habang ito ay napakahusay na pagmemerkado, hindi ito natutugma sa realidad ng mga epekto at
mga resultang mayroon talaga ang mga drogang ito.

Alamin ang mga katotohanan tungkol sa mga sintetikong droga. Magkaroon ng sarili ninyong
mga desisyon.