3.6 Basahin ang booklet

Basahin: Bath Salts: Panandalian at Pangmatagalang Mga Epekto

BATH SALTS: MGA PANANDALIANG EPEKTO

Maraming naging pagkakataon ng mga gumagamit na nakararanas ng mararahas, psychotic at nakapapanganib sa buhay na mga pangyayari pagkatapos ng paggamit ng “Bath Salts.”


Mga Epekto sa Isipan:

  • Hindi makontrol na paghahanap sa droga
  • Hindi makatulog
  • Hindi tunay na matinding kasiyahang mabilis na nagiging paranoia
  • Mga bangungot
  • Matinding kalungkutan
  • Matinding pagkabalisa
  • Mga guni-guni at mga delusyon
  • Pagpapahamak sa sarili
  • Mga kaisipan ng pagpapakamatay o pagpapakamatay mismo
  • Kabaliwan
  • Bayolenteng pag-uugali

Mga Epekto sa Katawan:

  • Mga pangangati ng balat
  • Mabahong amoy ng mephedrone
    (amoy mephedrone ang tao, isang drogang ginagamit sa Bath Salts)
  • Pakiramdam ng pangingilabot
  • Sobra-sobrang pagpapawis
  • Mataas na lagnat
  • Kawalan ng gana sa pagkain
  • Kawalan ng kakayahan sa sex
  • Pagdurugo ng ilong at “nose burn” (mga sugat sa ilalim ng ilong)
  • Pananakit sa likod ng bibig
  • Matinis na tunog o paghugong sa mga tainga
  • Sobra-sobrang pagngangalit ng mga ngipin
  • Paninigas ng mga kalamnan o tensiyon
  • Pamamanhid
  • Pagkahilo
  • Napalabong paningin
  • Mabilis na hindi mapigilang paggalaw ng mga mata
  • Pagkaduwal at pagsusuka
  • Pananakit ng dibdib at mga atake sa puso
  • Mga Sakit ng Ulo
  • Mga atake
  • Brainstem herniation
    (pagtaas ng presyon sa loob ng bungo na maaaring magdulot ng pagkamatay)

 

BATH SALTS: PANGMATAGALANG MGA EPEKTO

Ang kapahamakang dulot ng Bath Salts ay maaaring maging pangmatagalan at permanente, kabilang na ang:

  • Napataas na presyon ng dugo at napabilis na tibok ng puso
  • Pinsala at ganap na pagkasira ng bato
  • Pinsala sa atay
  • Pagkasira ng himaymay ng kalamnang pang-buto
    (mga kalamnang nagdudulot ng paggalaw ng mga buto at ng kalansay)
  • Pamamaga ng utak at pagkamatay nito
  • Pagkamatay

Natuklasan ng isang pag-aaral noong 2013 na isa sa mga pangunahing substansyang ginagamit sa Bath Salts na kilala bilang MDPV (3,4-methylenedioxypyrovalerone), ay talagang nakaka-adik—marahil na mas higit pa sa meth (methamphetamine), isa sa mga pinaka-nakaka-adik na mga droga.7

Ang Bath Salts ay naiugnay sa halos 23,000 na pagbisita sa emergency room sa Estados Unidos noong 2011.8 Natuklasan ng isa pang pag-aaral sa Gitnang Kanlurang Estados Unidos na higit pa sa 16 porsiyento ng mga pasyenteng naipadala sa mga emergency room ng ospital dahil sa mga pag-abuso sa Bath Salts ay nauwi sa kritikal na kondisyon o namatay.9

Ang masasamang epekto ng MDPV ay maaaring magtagal nang kasintagal ng anim hanggang walong oras pagkatapos ng paggamit dito; naiulat na nagdulot ito ng pangmatagalang mga panic attack, pagkabaliw at mga pagkamatay.

ANG PRODUKTONG ITO AY LASON

“Ang produktong ito ay lason... Pagkatapos ng unang oras ay naramdaman ko ang mala-cocaine na epektong naging palala at palala. Ang kaliwang bahagi ng aking dibdib ay nagsimulang manikip at napakabilis ng pagtibok ng puso ko... Nagsimula ang paranoia... Naging napakalapit ko sa panghihingi ng panggagamot sa ospital, pero naghintay ako. Bumubuti ako nang kaunti, sumasama nang kaunti, pabalik-balik, ngunit hindi nagtagal pagkatapos ng 3 hanggang 4 na oras ay laking pasasalamat ko na ako ay buhay at may malay... Ang mga ulat ng
mga taong namamatay, o napupunta sa ospital AY HINDI BULL***T... Isa itong mapanganib na lason na pinagkakakitaan ng isang demonyong kumikita ng pera sa pinakamasasamang paraan.” —G.F.

HUWAG ITO GAMITIN.
TUMIGIL SA PAGTIBOK ANG PUSO KO.

“Bihasa akong gumamit ng droga na nakapag-eksperimento sa mas marami pang drogang mabibilang mo sa mga kamay mo. [Ang Bath Salts] ay mas mapanganib pa kaysa sa crack. Ang comedown ang pinakamalalang karanasan sa buhay ko. Nagtagal ito ng 9 oras. Walang iba kundi takot, pagkabog ng dibdib, mga panginginig, matinding pagkaduwal at ilang milyong milya kada oras na pag-urong at pagsulong ng mga bagay. Nakakatakot talaga ito. Dahil sa karanasang iyon ay hindi na ako gagamit ng droga kahit kailan. Masuwerte akong nabuhay pa ako para bigyan kayo ng babala. LUMAYO KAYO DITO...” —E.W.