MGA DE-LANGHAP
“Sa katunayan ay natagpuan ko ang sarili kong kinakausap ang mga tinatawag kong
mga ‘gas buddy’ (ang mga guni-guni). Isang araw ay nagha-huff ako at akala ko namatay ang kaibigan ko dahil dumating sa akin ang guni-guni niya. Natagpuan ko ang sarili kong nagha-huff hindi lamang para sa mga nakikita, ngunit para na rin makasama ang gawa-gawang ‘mga kaibigang’ lalapit sa akin kapag nagsimula na akong mag-huff. Pitong buwan na akong nakikipag-buno sa adiksyong ito.” —Erik
“Sa loob ng tatlong araw, isang kaibigan ang nagbigay sa akin ng glue nang libre. Noong ika-apat na araw ay humingi siya ng pera sa akin. Noong panahong iyon, adik na ako at kinailangan ko siyang bigyan ng pera para makakuha ng isang tubo ng glue. Kinailangan ko ng mga ilang tubo ng glue araw-araw. —Marty
“Sa loob ng labing-apat at kalahating taon, isa itong tuluy-tuloy na pagbabago mula sa pagsinghot ng glue, pagsinghot ng gas, magic mushrooms....Pagkatapos ay nagsimula ako sa cannabis. Ginagasta ko ang pera ko sa pinakamaraming cannabis na makukuha ko. Pagkatapos ay sapat na matanda na ako para makapasok sa mga club, kaya nagsimula ako doon sa mga amphetamine at Ecstasy.
“Nagsimula akong sumama sa mga taong gumagamit ng heroin, at kalaunan ay ginamit ko ito nang padalas at padalas hanggang sa naadik na ako. Wala akong ideya noon sa kasiraang idudulot noon sa akin sa paglaon. Na bubuno ako ng sunud-sunod na sentensiya sa kulungan, ninanakawan ang mga bahay ng mga tao, ninanakawan ang pamilya ko. Lahat ng sakit at pasakit na naidulot ko ay mas malala kaysa sa pagnanakaw ng mga materyal na bagay mula sa kanila.” —Jamie
“Nasa bahay ng isang kaibigan si Jason, sumisinghot ng glue o lighter fluid, baka pareho. Pabalik sa eskuwela, patuloy na naba-black out si Jason. Sa huli, natumba siya at hindi na bumangon. Noong nadala na namin siya sa ospital, huli na.” —Cathy, magulang
“Bukas ay ang ika-anim na anibersaryo ng kamatayan ng aming anak na si Justin. Siya ay 16 na taong gulang noon. Namatay siya sa pagsinghot ng air freshener, isang pag-abuso ng isang de-langhap. Ang kanyang walang katuturang kamatayan ay yumanig sa mga mundo ng lahat ng mga nakakikilala sa kanya. Si Justin ay isang honors student na nagmamahal sa buhay at sinalubong niya ito nang may entusiyasmo. (Inspirasyon siya para sa marami.) Palagi akong babalikan ng katanungang kasama pa kaya namin si Justin ngayon kung nalaman lang niya ang mga panganib na kanyang sinusuong.” —Jackie, magulang