PAG-ABUSO SA INIRERESETANG DROGA

“Dalawang beses akong na-overdose (nasobrahan sa dosis) ng iniresetang mga pildoras (Zyprexa) at mayroong isang malapit na kaibigang namatay sa parehong droga….Walang mas masamang pakiramdam kaysa malamang namatay ang kaibigan mo dahil binigyan mo siya ng mga pildoras na hindi mo talaga gaanong kilala.”Linda

“Napagtanto kong gumagamit ako ng parami nang paraming Xanax nang palagian. Lumiban ako sa trabaho para makatigil ako sa paggamit nito. Nang hindi alam na ‘nalulong’ na ako dito, tumigil ako sa paggamit nang cold turkey: apat na araw at gabi akong nakaratay sa higaan. Hindi ako natulog o kumain. Nagsuka ako. Nagkaroon ako ng mga guni-guni. Sa ikatlong araw nang walang Xanax ay nagsimulang naging hindi magkakatugma ang kilos ko, nawalan ng balanse at bumabangga sa
mga bagay-bagay....Sa ikaapat na araw ako ay sobrang nag-alala na ako noong nagsimula akong magkaroon ng pakiramdam ng pagkikislot.” 
Patrick

“Ipinakilala ako ng isang ‘kaibigan’ ko sa Oxy’s. Nagsimula ako sa 40 mg na tableta, at pagkatapos ng mga dalawang buwan ay tinaasan ko ito at ginawang 60 mg. Talagang naadik na ako sa puntong iyon at sinimulan kong nguyain ang mga ito para madaling makakuha ng epekto para hindi ako magkasakit. Kinailangan kong uminom nito sa umaga pagkagising ko, kung hindi ay magkakasakit ako. Kinailangan kong uminom ng isa pa bago mag-tanghalian. Pagkatapos ay dalawa pa sa hapon at sa gabi. Alam kong lulong na ako dahil kinakailangan ko ang mga ito para makagalaw. Napakasama ng pakiramdam ko kapag wala nito. Hindi lamang sa pisikal na paraan, hindi ko rin kayang humarap sa mga tao o sa buhay nang wala ang mga ito. Pagkatapos ako ay dumating ako sa 80 mg at gumuho ang mundo ko. Nagsimula akong magnakaw mula sa lahat ng mga nakilala ko para lamang makatira….” Charleen

“Pakiramdam ng utak ko ay parang sinisigawan ako nito para kumuha ng mas marami ng mga pildoras na ito, ang mga pakiramdam ko kapag wala ang mga ito ay sobrang hindi talaga makayanan….Kailangan ko ng mas maraming tulong para malagpasan withdrawal sa Effexor na ito. Napakatindi ng kalungkutan ko na sinimulan kong hiwain ang aking mga kamay, at ni hindi ako sigurado kung bakit. Nagkakaroon ako ng mga guni-guni kada ilang oras at kung anu-anong bagay-bagay ang nakikita ko—ngayong araw na ito ay nakakita ako ng dugong umaagos sa pader.” Renee

“Nagsimula akong umihi ng dugo. Hindi maganda ang pakiramdam ko...Mahina ang pakiramdam ng katawan ko…Isinuko ko ang lahat dahil humaling na humaling ako sa paggamit…Ang tanging inisip ko lamang ay ang pagiging “high”…Akala ko ay maaari kong gamitin ang Coricidin para sa kasiyahan lamang, na bale wala lamang ito. Hindi ko inaasahang maging sugapa ako…Hindi ko na kailanman maibabalik ang panahong iyon. Kung maaari ko lamang burahin ito at tanggalin ito, gagawin ko.” Charlie

“Napagtanto ko na ang interes ko sa speed at ang pagkasugapa ko rito ay nagsimula noong ako ay niresetahan ng Ritalin....Sa una ito ay tuwing Sabado at Linggo, pagkatapos ay naging araw-araw ito. Dumating sa punto kung saan tatlong beses na ninakaw ko ang mga inireseta sa akin at nagsinungaling na nakuha ko ito noong unang beses....Ang una kong tunay na binge ay isang tatlong araw na tuluy-tuloy na pangyayari kung saan naranasan ko ang lahat ng mga epekto ng kakulangan ng tulog.

Nagsimula akong magkaroon ng mga guni-guni ng mga ibong lumilipad sa himpapawid,
mga pakiramdam ng mga tao na nasa sa parehong kuwartong kinalalagyan ko kahit na mag-isa ako, at ang mga simula ng paranoia.
Inubos ko ang buong reseta ng Dexedrine [ng kaibigan ko] sa loob ng isang linggo. Pagkatapos ay bumalik ako sa aking Ritalin at nagpatuloy mula roon....

“Wala akong masyadong matandaan sa ika-12 na baitang. Ang malaking kabuuan nito ay ginugol sa isang hindi maintindihang paranoid na halos tulog na kondisyon. Ngunit naaalala ko ang napakatinding kalungkutan at ang kawalan ng kakayahang maintindihan kung ano ang totoong dahilan kung bakit naging mas malala ako sa paaralan....Halos hindi ako nakapagtatapos, at wala talaga akong plano para sa kolehiyo.

“Sa huling sandali ay nagpatala ako sa lokal na kolehiyo. Nagawa kong mamalaging hindi gumagamit ng halos 17 araw bago nasapawan ng pangangailangan sa speed ang lahat. Sa oras na nagsimula akong gumamit ulit, tumigil ako sa pagpasok sa klase. Sobrang lungkot ko para magkaroon ng pakialam. Pumasok ako sa klase sa loob ng isang linggo, at miserable akong bumagsak.” Sam