SINAGUPA NG ITALYANONG GRUPO NG SAY NO TO DRUGS ANG SENTRO NG HEROIN NG EUROPA

Ang pambansang pulisya sa Milano, na lumikha ng sarili nilang soccer team para makisali sa mga paligsahan ng Say No to Drugs, ay nagpalitrato bago sumabak sa isa sa kanilang maiinit na paligsahan.

Isang grupo ng nagmamalasakit na mga magulang ang kusang kumilos para gawing malaya sa droga ang Milano, kinakalahok ang mga mahihilig sa musika, mga manlalaro ng soccer, mga opisyal ng siyudad at pambansang pulisya sa laban para mapuksa ang pag-abuso ng droga sa kanilang siyudad.

Sa isang siyudad na binansagang heroin capital ng Europa, isang grupo ng nagmamalasakit na mga magulang ang nagsama-sama para buuin ang Milano say No to Drugs team sa ilalim ng suporta ng Foundation for a Drug-Free World.

Nagsimula sila sa pamamagitan ng pagsaklaw sa mas malaking bahagi ng Milano, gamit ang libu-libong booklet ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga.

Pagkatapos, nagsagawa ng isang malaking konsiyerto ang team sa sikat na Milano disco na “Alcatraz,” kung saan ang mga nagtanghal ay mula sa mga musikerong nagsisimula pa lamang hanggang sa
mga pambansang komedyante. Ang mga MC ng konsiyerto ay ipinahayag sa mga dumalo na higit pa sa 600 na sila ngayon ay bahagi na ng isang drug-free na samahan, habang nakatayo sila sa lugar na kilala para sa paggamit ng mga droga ng mga manonood. Ang lugar na iyon ay sikat rin para sa kanilang sikat na mga bituin.

Sumunod ang mga anti-drug sports events—lahat mula sa tennis hanggang sa motocross, nagdadala ng mensahe para sa isang mundong malaya sa droga—hanggang sa tinira ng grupo ang pinaka-puso ng Italya: ang soccer.

Sumunod ang mga anti-drug sports events—lahat mula sa tennis hanggang sa motocross, nagdadala ng mensahe para sa isang mundong malaya sa droga—hanggang sa tinira ng grupo ang pinaka-puso ng Italya: ang soccer.

Binuo ng Say No to Drugs Milano ang kanilang soccer team at nagsimulang lumaban, higit na sa 20 tropeo ang kanilang napanalunan. Pagkatapos, nagpasimula ng sarili nilang mga anti-drugs na paligsahan, nakipagtagisan ang koponan laban sa lokal at probinsyal na pulisya, mga preso at mga opisyal sa preso sa isang kalapit na bilangguan, at pati na rin mga miyembro ng konseho ng siyudad.

Ang tagapaglathala ng magazine ng pambansang pulisya, ang L’Impegno, (Ang Pangako), ay nakaalam sa Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga, at hiniling nilang maglagay ng isang booklet sa bawat isa sa 10,000 kopya ng magazine na ipinamimigay dalawang beses kada buwan sa mga pulis sa buong Italya.

Mula noon, isang nakatataas na opisyal ng pulisya ang naging masigasig na tagapagtaguyod ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga at namimigay ng mga booklet na nagtatanghal ng logo ng pambansang pulisya katabi ng logo ng Foundation for a Drug-Free World. Gumagamit din siya ng
mga materyales ng programa sa mga leksiyon sa pag-agap sa droga sa mga estudyante sa kabuuan ng rehiyong Lombardy.

Sa pamamagitan ng kanilang maramihang anggulong pag-atake sa problema, ang Say No To Drugs Milano team ay nakapamahagi na ng higit pa sa 350,000 booklet ng Ang Katotohanan Tungkol sa
Mga Droga
, nagdadala ng realidad ng tahanang malaya sa droga para sa kanilang mga kabataan, ang realidad na ito ay palapit nang palapit sa bawat booklet na maipamahagi.



MGA KATOTOHANAN
ANG NAKAGUGULAT NA KATOTOHANAN: Tungkol sa Mga Sintetikong Droga

1 sa 9

ESTUDYANTE SA GRADE 12

noong 2012 sa Estados Unidos ang nag-ulat ng paggamit ng synthetic cannabinoids noong nakalipas na taon.

20%

HIGIT PA

na bagong sintetikong psychoactive na
mga substansya ang inilabas noong nakalipas na taon.

1,512

MEDICAL EMERGENCY

na kaugnay sa Spice noong 2015. Isa iyong 5X na pagtaas mula 2014.

650

DESIGNER DRUGS

ang dumagsa sa Europsa sa nakalipas na sampung taon.

11,000

MGA PAGBISITA SA ER

ang kaugnay sa sintetikong marijuana sa loob lamang ng isang taon sa Estados Unidos.



KAILANGAN NAMIN ANG INYONG TULONG

Suportahan ang Foundation for a Drug-Free World at tumulong sa pagprotekta sa mga buhay ng kabataan mula sa nakasisirang mga epekto ng mga droga. Ang inyong mga kontribusyon ay nagpapahintulot sa aming gawing libre ang aming mga materyal na pang-edukasyon sa mga paaralan, mga organisasyong pang-kabataan at iba pang mga grupo at indibidwal. Ang inyong suporta ay tumutulong na bigyang-lakas ang mga tao sa mga katotohanang kailangan nila para mabuhay nang malusog at malaya sa droga.