KATOTOHANAN TUNGKOL SA MGA DROGA GINAWANG HIGIT PA SA ISANG LARO ANG SUPER BOWL 50
Ang San Francisco, tahanan sa pinakamataas na porsiyento ng regular na mga gumagamit ng droga sa anumang metropolitan na lugar sa bansa, ay ang naging host din sa ikalimampung taong anibersasyo ng Super Bowl ngayong taon—ang sikat na “Super Bowl 50.”
“Mula sa unang araw, gusto naming gawin itong higit pa sa isang laro,” sabi ng host committee chairman na si Daniel Lurie.
Isinasakatuparan ang pananaw na iyon, at sa pagdating sa San Francisco ng higit sa milyong mga tagahanga ng football sa buong bansa, 154 volunteer ng Drug-Free World ang lumabas sa mga kalsada para mabigyang-edukasyon ang bawat tao.
Nagsimula ang volunteer team sa mga bisita sa 366 lokal na mga tindahan, isang madaling daanan para marating parehong ang mga lokal na mamamayan at pati na rin mga turista. Tinanggap ng bawat isa sa mga may-ari ng mga tindahan ang programa at ang bawat isa ay kumuha ng kanilang mga set ng mga booklet ngAng Katotohanan Tungkol sa Mga Droga para maipamahagi sa mga kustomer.
Kasabay noon, binisita ng mga volunter ang bawat isa sa sampung istasyon ng pulis ng San Francisco, kung saan ang mga opisyal na nangangailangan ng epektibong mga kagamitang pang-edukasyon ay sabik na sabik na matanggap ang mga materyal.
Samantala, umistasyon sa bawat pasukan ang mga volunteer sa Super Bowl City na anim na bloke ang laki—ang napakalaking lugar na itinayo sa Bay Area para sa malaking laro—namigay ng libu-libong booklet ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga, isang booklet kada tao at sa sentro mismo ng pagdagsa ng komersyal na mensahe.
Isang grupo ng kabataang mga tagahanga ng Denver Broncos, naka-todo costume pa, ay hangang-hanga sa mga booklet na nakisalo na rin sila at nagsimulang mamahagi ng mga booklet. Sumunod din ang isang tauhan sa isang paradahan, nag-aabot ng booklet sa bawat kotseng lumalabas sa paradahan.
Ang bawat tao, kabilang na ang mga recovery counselor at mga pastor ay nagpahayag ng kanilang pasasalamat sa trabaho ng Foundation at ng mga volunteer nito. Marami ang may personal na kuwento, tulad ng binatang kamakailan lamang ay nawalan ng isang kaibigan dahil sa overdose or ang Girl Scout na nagbebenta ng cookie, na nagsabing ang kanyang kaibigan ay gumagamit ng droga, at kumuha siya ng isa pang booklet.
Sa kabuuan, 315,00 booklet ang naipamigay sa pinakamalaking pamamahagi ng mga booklet ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga sa kasalukuyan—isang proyektong gumugol ng 1,005 oras ng pagboboluntaryo.
Hanggang sa kasalukuyan, nakaririnig pa rin ang Foundation mula sa mga kumuha ng mga booklet sa mga kalsada ng San Francisco, habang tumatawag sila para humingi ng karagdagan pang materyales para makagawa rin sila ng kaibahan.
Kaya’t oo, ang Super Bowl 50 ay higit pa sa isang laro. Tungkol ito sa pagbabago ng kondisyon sa pag-abuso sa droga at paglikha ng mas magandang hinaharap para sa lahat.
PAGKILOS
Pupunta ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga Kung Saan Hindi Pa ito Nakakapunta
Ang project manager para sa nonprofit na paaralang Schools Against Crime Club, na ngayon ay aktibo sa 60 prosiyento ng mga paaralan ng Uganda, ay magpapasimula ng serye ng mga seminar ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga sa pambansang kapitolyo na Kampala. Ang kanyang layunin ay maabot ang 2,000 estudyante kada linggo gamit ang impormasyong kinakailangan nila para piliin ang mamuhay nang malaya sa droga.
Ang presidente ng 108 World Foundation ay may misyong itigil ang pag-abuso sa droga, pumapasok sa isang pormal na pakikipagtulungan sa Foundation for a Drug-Free World para makapagbigay ng mga leksiyon sa mga nanganganib na kabataan at mga nakatatanda sa kabuuan ng Jammu at Kashmir, mga estado sa Hilagang India.
Isang kolehiyalang taga Algeria ang kusang kumikilos at nagbibigay ng mga presentasyon ng Katotohanan Tungkol sa Droga sa mga kaklase sa kanyang bayan. Bilang ang unang pinuno ng unang sangay ng Katotohanan Tungkol sa Mga Droga sa Algeria, pinaplano niyang dalhin ang programa sa mga campus sa kabuuan ng kanyang siyudad at sa labas pa noon.
KAILANGAN NAMIN ANG INYONG TULONG
Suportahan ang Foundation for a Drug-Free World at tumulong sa pagprotekta sa mga buhay ng kabataan mula sa nakasisirang mga epekto ng mga droga. Ang inyong mga kontribusyon ay nagpapahintulot sa aming gawing libre ang aming mga materyal na pang-edukasyon sa mga paaralan, mga organisasyong pang-kabataan at iba pang mga grupo at indibidwal. Ang inyong suporta ay tumutulong na bigyang-lakas ang mga tao sa mga katotohanang kailangan nila para mabuhay nang malusog at