PAMAMAHAGI NG KATOTOHANAN TUNGKOL SA MGA DROGA

Pamimigay ng mga booklet para sa pagbibigay-edukasyon sa mga droga ay nakararating parehong sa mga kabataan at nakatatanda sa mga kalsada ng London.
Pamimigay ng mga booklet para sa pagbibigay-edukasyon sa mga droga ay nakararating parehong sa mga kabataan at nakatatanda sa mga kalsada ng London.

Isang mahalagang kilos sa paglalabas ng katotohanan tungkol sa mga droga ay ang distribusyon ng mga materyales ng programa—mga booklet at mga pamphlet na nagbibigay edukasyon tungkol sa droga. Bawat linggo sa mga siyudad sa buong mundo, tumutulong ang mga paaralan at mga grupo ng kabataang mailabas ang serye ng labintatlong booklet ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga sa kanilang mga komunidad.

Ang unang booklet ay nagbibigay ng buong pagtanaw sa
mga droga, paano gumagana ang mga ito at kung ano ang ginagawa ng mga ito sa katawan at isipan. Pagkatapos ay may isang booklet na tumatalakay sa bawat droga. Nang walang pangangaral, ibinibigay lamang ng bawat booklet ang direktang katotohanan. Ang nagmamalasakit na mga negosyo at mga pamahalaan ay tumutulong na sumuporta sa malakihang distribusuon sa bawat bahagi ng mundo.

Ang mga booklet na nagbibigay-edukasyon sa droga ay naipamigay na sa 20 wika, pinapalitan ang mga kasinungalingan sa droga ng katotohanan. Ginagawa ito nang direkta sa mga kalye, isahan at direkta sa mga kamay ng tao. Sa kasalukuyan, higit pa sa 26 milyong booklet na ang naipamigay mula sa New York hanggang Taiwan at mula sa Australia hanggang sa Italya.