PANANATILIHIN SANANG BUHAY NG KATOTOHANAN ANG KANYANG ANAK NA LALAKI

Inaabot ni Gretchen Harrison ang booklet ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga sa isang estudyante ng Westerville high school, na isa sa mga libong naabot ni Addison sa pamamigitan ng kanyang makabagbag-damdaming kuwento at direktang mga katotohanan tungkol sa mga droga

Paanong ang isang inang nawalan ng kaisa-isang anak dahil sa heroin ay lumalaban gamit Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga.

Tatlong buwan bago namatay ang kanyang anak na lalaki dahil sa overdose noong 2014, tinanong ni Gretchen Addison ang anak niya: “Tyler, ano ba ang napakasama sa buhay mo na kinailangan mong gumamit ng heroin?”

“Hindi ko alam kung ano ang pinapasok ko,” sabi niya.

Sabi ni Addison na hindi maalis sa isipan niya ang mga salitang iyon.

Ang pinakamalapit na kaibigan ni Tyler, si Cody, na nagbenta kay Tyler ng mga drogang pumatay sa kanya, ay pareho rin ang sinabi: hindi ko alam.

“And dadalawang taong unang tinanong ko, sabi nila hindi nila alam,” sabi ni Addison. “Napag-isip ako noon: Pupusta akong hindi rin alam ng iba.”

Pagkatapos makabawi sa pagkawala ng kanyang nag-iisang anak dahil sa overdose, nagsimulang hanapin ni Addison kung paano mapunan ang kawalan na iyon ng kaalaman. Noon niya natuklasan ang Foundation for a Drug-Free World online.

“Unang beses na nakita ko ito, hindi ako makapaniwala. Iyon na ang lahat ng gusto kong malaman ng mga batang ito,” sabi niya. “Hindi ko gusto ang mga pagarbo, ang kailangan ko lang ay ang walang halong mga katotohanan at iyon ang ibinibigay ninyo.”

Ang kababata ni Addison, na isa na ngayong guro sa kanilang bayan, ay kinontak si Addison at hiniling siyang ibahagi ang kuwento niya. Ganoon nga ang kanyang ginawa, at pagkatapos ay itinanghal niya ang Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga sa mga estudyanteng kinakausap niya.

Hindi nagtagal bago sinumulang kontakin ng ibang guro si Addison, nahindi naglaon ay pumupunta sa bawat paaralan, ikinukuwento ang kuwento ng anak niya, ipinapalabas ang dokumentaryo ng Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga at namamahagi ng mga booklet sa daan-daang tao.

“Sinunggaban nila ang mga booklet. Manghang-mangha sila. At nagulat ako dahil naroon sila sa isang napakahirap na lugar, akala ko alam na nila ang lahat tungkol dito. Hindi - wala silang alam.”

“Sa bawat paaralang napuntahan ko—at nakapamigay na ako ng mga 1,500 booklet—talagang umuupo at binabasa ng mga estudyante ang mga ito pagkabigay ko ng mga ito,” sabi ni Addison. “Nakukuha nito ang kanilang atensiyon, at hindi pa ako nakakita ng kahit anumang ganito kailanman.

Sa isang magulong sambahayan sa Ohio, sabi ni Addison, “Sinunggaban nila ang mga booklet na iyon. Manghang-mangha sila. At nagulat ako dahil naroon sila sa isang napakahirap na lugar, akala ko alam na nila ang lahat tungkol dito. Hindi—wala silang alam.”

Isang babaeng umaabuso ng Percocet ay lumapit kay Addison at nagsabing: “Pagkatapos kong marinig ang kuwento mo, nagpasya akong titigil na ako sa paggamit ng droga.” Hindi na siya gumagamit nang ilang buwan na. Natuklasan din ni Addison kamakailan lamang na ang ina ng babaeng iyon ay namatay dahil sa overdose. Sa isang mas huling usapan, sinabi ng dalaga kay Addison, “Kung hindi dahil sa presentasyon mo, wala na siguro ako.” Ang ganitong klase ng mga kuwento ay hindi pambihira at ito ang dahilan kung bakit gusto niyang maabot ang pinakamaraming taong posible.

Nagkuwento si Addison tungkol sa isang binatang mukhang tigasin na may ankle monitor (na ibig sabihin ay nasa parol siya), na pumunta sa kanyang luhaan sa katapusan ng seminar niya. “Hindi ko na gagalawin ang bagay na ito,” sabi ng binata sa kanya. Hindi man lamang niya inisip na nakikinig ang binata pero nalaman niya na karamihan sa nakakarinig sa kuwento niya ay nakikinig. Sa pagdaan ng isang katapusan ng linggo nitong nakaraang Mayo, itinanghal ni Addison ang Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga sa 1,700 estudyante sa tatlong distrito ng Ashtabula, ang pinakamalaking county sa Ohio. Tinanong kung ano siguro ang nangyari king nakuha ni Tyler ang katotohanan tungkol sa mga droga bago niya makilala ang heroin, sabi ni Addison: “Buhay pa sana ang anak ko. Alam ko, iyon.”

Iyon ang dahilan kung bakit gusto niyang gawing kinakailangan ang programa sa bawat paaralan sa Ohio at sa bawat estado ng Estados Unidos. “Sana kumalat ito na parang apoy,” sabi niya. “Kailangang maabot natin ang mga batang ito. Kung maibibigay natin sa kanilka ang tamang impormasyon—ang mga katotohanan—at maipasok ito sa isipan nila, sa loob lamang ng ilang taon, baka mawawala na ang lahat nang ito,” sabi niya, tinutukoy ang epidemya ng heroin sa Ohio.

“Inaako ko ito bilang responsibilidad ko. Gagawin ko ang lahat ng magagawa ko at lalabanan ko ito palagi.



KAILANGAN NAMIN ANG INYONG TULONG

Suportahan ang Foundation for a Drug-Free World at tumulong sa pagprotekta sa mga buhay ng kabataan mula sa nakasisirang mga epekto ng mga droga. Ang inyong mga kontribusyon ay nagpapahintulot sa aming gawing libre ang aming mga materyal na pang-edukasyon sa mga paaralan, mga organisasyong pang-kabataan at iba pang mga grupo at indibidwal. Ang inyong suporta ay tumutulong na bigyang-lakas ang mga tao sa mga katotohanang kailangan nila para mabuhay nang malusog at malaya sa droga.