Hepe ng Pulisya Pinuri Ang
PROGRAMANG ANG KATOTOHANAN TUNGKOL SA
MGA DROGA

Bilang Hepe ng Polisya ng Babbitt, Minessota, at isang EMT at bumbero rin, nakapagligtas na ng mga buhay si Chad Loewen. Isa siya sa mga PD officers ng Babbit na nakatanggap ng komendasyon para sa pagliligtas ng buhay. Sa kanyang dalawang papel bilang Hepe at pinuno ng edukasyon sa droga para sa departamento, sinasabi niyang ngayon ay nagliligtas siya ng mga buhay sa pamamagitan ng programa ng Foundation for a Drug-Free World na Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga. Ang mga sumusunod ay sipi mula sa isang sulat na ipinadala niya sa Foundation.

“Walang nakakaunawa ng positibong epekto ng isang solidong programang pang-edukasyon tungkol sa droga higit pa sa mga ahensiyang tagapagpatupad ng batas, ngunit sa kasawiang palad, maraming departamento ang hinaharap ng paggugol ng kanilang
mga pondo sa paglaban sa mga krimeng may kinalaman sa droga sa halip na sa pagbibigay-edukasyon tungkol sa droga o pag-agap sa droga.

“Isang simpleng paghahanap sa internet anim na taon na ang nakakaraan ang nagdala sa akin sa Foundation for a Drug-Free World. Tinitingnan ko kung ano pang ibang mga programang pang-edukasyon tungkol sa droga ang naroon at pakiramdam ko ay nakuha ko ang jackpot. Ang natagpuan ko ay mga sagot sa pinakakaraniwang tinatanong ng mga estudyante ko. Ang programang Ang Katotohanan Tungkol sa Mga Droga ay nagbibigay ng detalyadong mga pamphlet sa mga pinaka-karaniwang inaabusong mga droga at nagbibigay sa
mga tagapagturong tulad ko ng mga materyal na kinakailangan para maging eksperto sa silid-aralan tulad ng kung ano ang inaasahan mula sa amin.

“Ang mga video ay talagang napakahusay na kagamitan para sa pagtuturo sa aking silid-aralan. Talagang napakahusay ang
mga ito para sa pagkuha ng atensiyon ng mga manonood at pagpapanatili sa mga ito. Ang mga pamphlet tungkol sa droga ay mahusay na naisulat at napakaayos na nagawa. Pinahihintulutan din ng mga ito na lumawak pa ang programa sa labas ng silid-aralan at sa mga komunidad kung saan mas maraming tao ang maaaring maabot.

“Ang Foundation for a Drug-Free World ay naging napakahusay sa pagbuo ng literaturang para sa pagbibigay-impormasyon tungkol sa droga para sa mga tao, anuman ang kanilang edad. Kasama ng kasabay sa panahong mga video na pumupuntirya parehong sa mga bata at matanda, talagang nakasapul ang programang ito at itinaas pa nito ang lebel ng edukasyon tungkol sa droga. Walang ibang programang para sa edukasyon sa droga na makukuha ngayon ang makakatulad sa kung ano ang nabuo ng Foundation for a Drug-Free World.”

— Hepe ng Polisya ng Babbitt, Minnesota


IDINADAAN SA BILANG

Website » ang drugfreeworld.ph ay may higit pa sa 12 milyon bisita kada taon, ginagawa itong isa sa pinaka-binibisitang website tungkol sa edukasyon at pag-agap sa droga.

Edukasyon sa Mga Paaralan Tungkol sa Katotohanan Tungkol sa Mga Droga

Slovakia Leksiyon sa 120,799 estudyante sa 2,663 paaralan
Venezuela Leksiyon sa 450,000 estudyante sa 1,346 paaralan
Taiwan Leksiyon sa 307,965 estudyante sa 921 paaralan


ANG EPEKTIBONG EDUKASYON TUNGKOL SA MGA DROGA AY NAGLILIGTAS NG MGA BUHAY

Suportahan ang Foundation for a Drug-Free World at tumulong na protektahan ang mga buhay ng mga bata mula sa nakasisirang mga epekto ng mga droga. Ang inyong mga kontribusyon ay nagpapahintulot sa aming gawing libre ang aming mga materyal na pang-edukasyon sa mga paaralan, mga organisasyong pang-kabataan at iba pang mga grupo at indibidwal. Ang inyong suporta ay tumutulong na bigyang-lakas ang mga tao sa mga katotohanang kailangan nila para mabuhay nang malusog at malaya sa droga.