Basahin: Crack Cocaine: Isang Maikling Kasaysayan
Crack Cocaine: Isang Maikling Kasaysayan
Habang ang paggamit sa mga dahon ng coca bilang isang nakalululong na substansya ay mula sa tatlong libong taon ang nakakaraan, ang crack cocaine, isang kristalisadong anyo ng cocaine, ay ginawa noong kasikatan ng cocaine noong
mga 1970 at ang paggamit nito ay kumalat sa kalagitnaan ng mga 1980.
Ayon sa US Drug Enforcement Agency, sa huling banda ng 1970, may napakalaking sobra-sobrang suplay ng pulbos ng cocaine na inaangkat sa Estados Unidos. Ibinagsak nito ang presyo ng droga ng mga 80%. Nahaharap ng pagbabagsak ng presyo para sa kanilang ilegal na produkto, ginawang “crack” ng mga nagbebenta ng droga ang pulbos, isang solidong anyo ng cocaine na maaaring mahithit.
Hinati-hati sa maliliit na piraso, o “mga bato,” ang anyo nito ng cocaine ay maaaring ibenta sa maliliit na dami, sa mas maraming tao at para sa mas malaking kita. Mura ito, simpleng gawin, madaling gamitin at malaki ang ibinibigay na kita para sa
mga nagbebenta.
Kasing-aga ng mga 1980, mga ulat tungkol sa paggamit ng crack ay matatagpuan sa Los Angeles, San Diego, Houston at sa Caribbean.
Ang pinakamalaking pagtaas sa paggamit ng droga ay naganap noong panahon ng “epidemya ng crack,” sa pagitan ng 1984 at 1990, kung saan kumalat ang droga sa mga lungsod ng Amerika. Pinataas nang malaki ng epidemya ng crack ang bilang ng mga Amerikanong naadik sa cocaine. Noong 1985, ang bilang ng mga taong umamin sa paggamit ng cocaine sa isang rutinang paraan ay tumaas mula sa 4.2 milyon at naging 5.8 milyon.
Sa katapusan ng 1986, ang crack ay matatagpuan na sa 28 estado at sa Distrito ng Columbia. Noong 1987, ang crack ay napaulat na matatagpuan sa lahat maliban sa apat na estado sa Estados Unidos. Mula noon, patuloy na kumalat ang paggamit ng droga sa kabuuan ng Hilaga at Timog Amerika at sa Europa at sa nalalabing bahagi ng mundo.
Noong 2002, nakararanas ang Inglatera ng kanilang sariling “epidemya ng crack,” ang bilang mga adik sa crack na nanghihingi ng tulong ay tumataas ng halos 50% noong taong iyon. Iniulat ng Inglatera ang pagtaas ng 74% sa mga panghuhuli ng crack cocaine samga raid sa droga sa pagitan ng 2000 at 2006.
Ang karamihan sa mga gumagamit ng crack cocaine sa Europa ay matatagpuan sa tatlong siyudad—Hamburg, London at Paris. Ngunit ang paggamit ng crack cocaine ay napaulat din bilang isang napakalaking probelma sa tatlong teritoryo ng Pransiya—Guadeloupe, French Guiana at Martinique—at sa ilang komunidad sa Olanda.