3.12 Basahin ang booklet

Basahin: Pag-abuso sa Inireresetang Droga

PAG-ABUSO SA INIRERESETANG DROGA

Ang pag-abuso sa mga inireresetang droga ay naging mas malalang suliranin kaysa sa karamihan ng mga droga sa lansangan. Ang mga painkiller (pamatay ng sakit), tranquilizers (pampakalma), antidepressants (pang-alis sa lungkot), sleeping pills (pampatulog) at stimulants (pampasigla) ay maaaring parang “walang-panganib” dahil inireseta ito ng mga doktor, ngunit ang mga ito ay maaaring nakalululong at kasing-lakas tulad ng heroin o cocaine na ibinebenta sa lansangan. Ang painkiller na OxyContin, halimbawa, ay kasinglakas ng heroin at naaapektuhan nito ang katawan sa parehong paraan. Ang patuloy na paggamit ng painkillers, depressants (“downers” o pampalungkot), stimulants (“uppers” o pampasigla) o antidepressants (panlaban sa lungkot) ay maaaring humantong sa pagkalulong—at masakit na mga sintomas ng withdrawal sa
mga taong magsusubok na tumigil.

Ilan sa mga epekto ng mga drogang ito ay ibinibigay rito.

Painkillers: Ang OxyContin, Fentanyl, morphine, Percodan, Demerol ay ilan mula sa mahabang listahan ng mga painkiller. Ang mga epekto ay maaaring kinabibilangan ng mabagal na paghinga, pagkaduwal at kawalan ng malay. Ang
pag-abuso ay maaaring humantong sa pagkalulong.

Depressants: Ang mga drogang ito, na nagpapabagal sa iyong utak at pag-andar ng nervous system (sistema ng nerbiyos), ay kinabibilangan ng Xanax, Zyprexa, Amytal, Seconal, Valium at marami pang iba. Ang mga epekto ay maaaring kinabibilangan ng
mga problema sa puso, pagtaas ng timbang, sobrang kapaguran1 at hindi malinaw na pananalita Ang patuloy na paggamit ay maaaring humantong sa pagkalulong.

Stimulants: Ang mga drogang ito ay nakapagpapabilis ng tibok ng puso at paghinga, katulad ng “speed” o cocaine. Kabilang dito ang Ritalin, Adderall, Concerta at mga drogang kilala bilang “bennies.” Kabilang sa mga epekto ang mataas na presyon ng dugo at tibok ng puso, kasamaan at paranoia.

Antidepressants: Ang Prozac, Paxil, Zoloft at Celexa ay ilan sa mga karaniwang ginagamit na antidepressant. Kabilang sa mga epekto nito ang iregular na tibok ng puso, mga paranoid na reaksiyon, mga kaisipan ng karahasan o pagpapakamatay at mga guni-guni. Ang matagalang paggamit ay maaaring humantong sa pagkalulong.

Ang mga painkiller, depressant at antidepressant ay ang responsable sa mas maraming kamatayan sa Estados Unidos dahil sa overdose (pagkasobra sa dosis ng droga) kaysa sa cocaine, heroin, methamphetamine at amphetamines na pinagsamasama.

  1. 1. sobrang kapaguran: matinding pisikal o pangkaisipang kapaguran.