3.3 Basahin ang booklet

Basahin: Marijuana

MARIJUANA

Ang Marijuana ay kalimitang inirorolyo sa isang sigarilyo na tinatawag na “joint” o isang “nail”. Maaari rin itong ilaga bilang tsaa o ihalo sa pagkain, o hithitin sa pamamagitan ng tubong pantubig na tinatawag na “bong”.

Ang cannabis1 ay pangatlo sa limang nangungunang mga drogang dahilan sa pagpasok sa mga drug treatment facility sa Estados Unidos, sa 16%. Ayon sa isang Pambansang Pansambahayang Sarbey sa Pag-abuso sa Droga, ang mga kabataang malimit gumamit ng marijuana ay halos apat na beses na maaaring kumilos nang marahas o manira ng ari-arian. Sila ay halos limang beses na maaaring magnakaw kaysa sa mga taong hindi gumagamit ng droga.

Ang marijuana ay kalimitang mas matindi ngayon kaysa noong nakaraan. Ang
mga teknik sa pagpapalaki at mapiling paggamit ng mga buto ay nakagagawa ng mas matinding droga. Bilang resulta, nagkaroon ng isang biglaang pagdalas ng pagbisita sa emergency room ng mga batang gumagamit ng marijuana.

Dahil paglaon, sa tagal ng paggamit ay hindi na ito tumatalab, maaaring hatakin ng marijuana ang
mga gumagamit nito tungo sa mas malalakas na droga para makamit ang parehong “high.” Kapag nagsisimula nang mawala ang ang mga epekto, maaaring bumaling sa mas malalakas na droga ang isang tao para mawala ang mga hindi kanais-nais na kondisyong nagtulak sa kanyang gumamit ng marijuana sa una. Ang marijuana mismo ay hindi humahatak sa tao patungo sa ibang droga: gumagamit ng mga droga ang mga tao para mawalan sila ng hindi kanais-nais na mga sitwasyon o pakiramdam. Tinatabunan ng droga (marijuana) ang problema nang ilang panahon (habang “high” ang gumagamit). Kapag lumipas ang “pagka-high”, ang problema, ang hindi kanais-nais na kondisyon o sitwasyon ay bumabalik nang mas matindi kaysa nauna. Sa ganoong pagkakataon, maaaring bumaling ang gumagamit sa mas malalakas na droga dahil hindi na “tumatalab” ang marijuana.

Panandaliang Mga Epekto:

Pagkawala ng koordinasyon at mga kalituhan sa diwa ng panahon, paningin at pandinig, pagka-antukin, pamumula ng mga mata, paglakas ng gana sa pagkain at mahinang mga kalamnan. Ang tibok ng puso ay maaaring bumilis. Sa katunayan, sa unang oras ng paghithit ng marijuana, ang panganib na magkaroon ng atake sa puso ang gumagamit ay maaaring tumaas nang limang beses. Ang galing sa paaralan ay nababawasan dahil sa napahinang memorya at nabawasang kakayahang lumutas ng mga problema.

Pangmatagalang Mga Epekto:

Ang pangmatagalang paggamit ay maaaring magdulot ng mga sintomas ng pagkabaliw. Maaari rin nitong masira ang mga baga at puso, palalain ang mga sintomas ng bronchitis at magdulot ng pag-ubo at maging dahilan ng pag-ubo at pagsingasing. Maaari nitong pababain ang resistensiya ng katawang labanan ang mga impeksiyon at sakit sa baga.

  1. 1. cannabis: alinman sa iba-ibang drogang galing sa Indian hemp, kabilang na ang marijuana at hashish.

MGA SIKAT NA TAWAG


Astro turf Bhang Blunt Boom Chronic Dagga Dope Gangster Ganja Grass Hemp Herb Home grown J Kiff Mary Jane Nederweed Pot Purple Haze Reefer Roach Smoke Skunk Super Skunk Texas tea Weed White Widow HASHISH: Chocolate Hash Shit