PANDAIGDIGANG ESTADISTIKA

Kabilang sa mga gumagamit ng ipinagbabawal na mga droga sa unang pagkakataon noong 2007, ang pinasikat na mga droga ay ang marijuana at mga inireresetang painkiller—ang bawat isa ay ginamit ng halos parehong bilang ng mga Amerikanong edad 12 gulang o higit pa. Ang hindi medikal na paggamit ng mga painkiller ay tumaas ng 12%.

Isa sa 10 estudyante sa huling taon ng mataas na paaralan sa Estados Unidos ay umamin sa pag-abuso sa inireresetang mga painkiller.

Ang maling paggamit ng mga painkiller ay kumakatawan sa tatlong-kapat ng kabuuang problema ng pag-abuso sa inireresetang droga. Ang painkiller na hydrocodone ang pinakakaraniwang ginagamit sa ibang paraan at inaabusong kontroladong droga sa Estados Unidos.

Ang Methadone, minsang ginamit sa mga sentrong pagamutan para sa adiksyon at ngayon ay ginagamit ng mga doktor bilang painkiller, ay natuklasang sanhi ng 785 kamatayan sa isang estado pa lamang, sa Florida, noong 2007.

Ang pag-abuso sa inireresetang droga ay tumataas din sa mas may edad na mga Amerikano, lalo na’t kinabibilangan ng mga drogang panlaban sa pagkabalisa tulad ng Xanax at mga painkiller tulad ng OxyContin.

Sa Inglatera, libu-libong tao ay sinasabing nakadepende sa mga painkiller tulad ng Solpadeine at Neurofen Plus.

Iniuulat ng mga doktor at mga rehabilitation therapist na ang pag-abuso sa inireresetang painkiller ay isa sa pinakamahirap gamutin na mga adiksyon.