Basahin: Pag-unawa sa Kung Bakit Nagiging Sobrang Nakaka-adik Ang Mga Painkiller
PAG-UNAWA SA KUNG BAKIT NAGIGING SOBRANG
NAKAKA-ADIK ANG MGA PAINKILLER
Ang mga opioid painkiller ay lumilikha ng panandaliang kasiyahan, ngunit nakaka-adik din ang mga ito.
Ang pangmatagalang paggamit ng mga painkiller ay maaaring humantong sa pisikal na pagdepende sa droga. Umaangkop ang katawan sa substansyang naroon at kapag tumigil ang tao nang biglaan sa paggamit ng droga, nagkakaroon ng mga sintomas ng withdrawal. O maaaring mawalan na ng epekto ang droga sa katawan, ibig sabihin ay kailangan ng mas matataas na dosis para makamit ang parehong mga epekto.
Kagaya ng lahat ng mga droga, tinatabunan lamang ng mga painkiller ang sakit kung para saan ininom ang mga ito. Hindi nila “pinagagaling” ang kahit ano. Ang isang taong patuloy na nagsusubok na pumatay sa sakit ay maaaring matagpuan ang kanyang sariling umiinom ng pataas at pataas na dosis—para lamang matuklasang hindi siya makararaos sa isang araw nang hindi gumagamit ng droga.
Maaaring kasama sa mga sintomas ng withdrawal ang pagkabalisa, pananakit ng kalamnan at mga buto, hindi makatulog, pagtatae, pagsusuka, panlalamig na kinikilabutan (tinatawag na “cold turkey”), at hindi kontroladong mga paggalaw ng binti.
Isa sa mga seryosong panganib ng mga opioid ay ang paghina ng sistema ng paghinga—ang matataas na dosis ay maaaring makapagpabagal sa paghinga hanggang sa puntong tumigil ito at mamatay ang gumagamit.
“Adik ako sa inireresetang gamot sa sakit. Nagsimula akong gumamit ng inireresetang mga painkiller [ilang] taon ang nakaraan kung kailan inireseta ito ng aking doktor para gamutin ang sakit na nararamdaman pagkatapos ng operasyon sa gulugod....Sa loob ng nakalipas na ilang mga taon sinubukan kong wakasan ang aking pag-asa sa mga pildoras para sa sakit at, sa katunayan lang, dalawang beses akong nagpakonsulta sa mga palingkurang medikal sa pagsisikap na gawin ito.
Kamakailang [ako ay] sumang-ayon sa aking doktor tungkol sa susunod na mga hakbang.”
— Sinipi mula sa sinabi sa himpapawid ng isang komentarista sa radyo na si Rush Limbaugh, Friday, Oct. 10, 2003, ayon sa Premiere Radio, ang kanyang tagapagbalita sa radyo.