Basahin: Babalang Mga Palatandaan ng Pagdepende sa Inireresetang Painkiller
BABALANG MGA PALATANDAAN NG PAGDEPENDE SA INIRERESETANG PAINKILLER
Ang mga pinakakaraniwang inireresetang painkiller (OxyContin, Vicodin, Methadone, Darvocet, Lortab, Lorcet and Percocet), habang nagbibigay ng ginhawa mula sa sakit, ay maaari ring magdulot sa
mga katawan ng tao na magsimulang “mangailangan” sa mga droga para lamang maramdaman nilang “normal” sila.
Narito ang sampung babalang mga palatandaang dapat babantayan kung sa tingin mo ang isang taong kakilala mo ay maaaring nakararanas ng pagdepende sa mga drogang ito:
1. Pagdalas ng gamit: pagtaas ng dosis ng isang tao sa pagdaan ng panahon, bilang resulta ng pagtaas ng kawalan ng epekto sa droga at pangangailangan ng mas marami para makuha ang parehong epekto.
2. Pagbabago ng personalidad: pabagu-bago ang enerhiya, pag-uugali, at konsentrasyon dahil sa resulta ng araw-araw na mga responsibilidad na nagiging pangalawa na lamang sa pangangailangan sa droga.
3. Paglayo sa mga kapwa: paglayo sa pamilya at mga kaibigan.
4. Kasalukuyang paggamit: ang patuloy na paggamit ng mga painkiller pagkatapos na mapabuti ang medikal na kondisyon na nilayong paginhawain.
5. Panahong ginugol sa pagkuha ng mga reseta: ang paggugol ng napakalaking panahon sa pagmamaneho nang malayuan at pagbisita sa maraming doktor para makakuha ng mga droga.
6. Pagbabago sa araw-araw na mga kaugalian at kaanyuan: pagsama ng kalagayan ng pansariling kalinisan; pagbabago sa mga kagawian sa pagtulog at pagkain; palagiang pag-ubo, pagdaloy ng uhog at mapula at blangkong mga mata.
7. Pagpapabaya sa mga responsibilidad: pagpapabaya sa mga gawaing-bahay at mga bayarin; padalas nang padalas na pagpapasabing maysakit at pagliban sa paaralan o trabaho.
8. Mas pagiging maramdamin: ang mga normal na nakikita, mga tunog at mga emosyon ay nagiging sobrang nakapagpapasigla sa tao; mga guni-guni.
9. Mga pagkahimatay at pagkamalilimutin: pagkalimot sa mga pangyayaring naganap at pagkahimatay.
10. Pagiging depensibo: nagiging depensibo at bumubunghalit sa simpleng mga tanong sa tangkang itago ang pagdepende sa droga, kapag pakiramdam ng gumagamit na ang sikreto niya ay natutuklasan.