Basahin: Pandaigdigang Estadistika
PANDAIGDIGANG ESTADISTIKA
Sa isang sarbey sa Estados Unidos, ipinagsasama ang mga datos mula 2002 hanggang 2006, ay nakatuklas na ang taunang karaniwang bilang ng 593,000 mga kabataang edad 12 hanggang 17 ay gumamit ng mga de-langhap sa unang pagkakataon sa taong iyon bago sila sumagot sa sarbey.
- Mahigit sa 22.9 milyong Amerikano ang nag-eksperimento sa mga de-langhap sa isang punto sa buhay nila.
- Isang estado sa Estados Unidos ay may karaniwang 3,800 na mga dalaw sa emergency room at 450 na pagkaka-ospital sa loob ng isang taon dahil sa
mga pagkalasong dahil mga de-langhap, ayon sa mga estadistikang nailabas noong 2008.
- Sa oras na ang mga estudyante sa Estados Unidos ay makatuntong sa ikawalong baitang, isa sa limang bata ang nakagamit na ng mga de-langhap. Noong 2007, ang mga de-langhap ang mga substansyang pinakamadalas na abusuhin ng
mga kabataang edad 12 hanggang 13.
- 22% ng mga umaabuso sa de-langhap na namatay sa Sudden Sniffing Death Syndrome ay walang kasaysayan ng nakalipas na pang-aabuso ng de-langhap—unang beses silang gumamit.
- Ayon sa European School Project on Alcohol and Other Drugs (Europeong Pampaaralang Proyekto sa Alkohol at Iba pang Droga), 20% ng mga kabataan sa grupong 12 hanggang 16 edad ay nagsubok ng mga de-langhap.
- Sa Nairobi, Kenya, isang tinatayang 60,000 bata ang nakatira sa mga kalsada at halos lahat ay nalulong sa isang uri ng de-langhap.
- Sa siyudad ng Karachi, Pakistan ay mayroong tinatayang 14,000 batang kalye, kung saan 80% hanggang 90% ang sumisinghot ng glue o mga solvents.
- Sa Estados Unidos, iniulat ng National Survey on Drug Use and Health noong 2006 na 12 milyong Amerikano mula edad 12 hanggang 17 ay gumamit ng mga de-langhap sa nakalipas na taon.