Basahin: Legal Ba Ang Mga De-langhap?
LEGAL BA ANG MGA DE-LANGHAP?
Kahit na ang mga de-langhap ay hindi nireregula sa ilalim ng Controlled Substances Act, 38 estado sa Estados Unidos ang nagpataw ng mga pagbabawal sa pagbebenta at distribusyon sa mga minor-de-edad ng ilang produkto na karaniwang inaabuso bilang mga de-langhap. Ilang estado ang nagsimulang magpataw ng mga multa, pagkabilanggo o sapilitang pagpapagamot para sa pagbebenta, distribusiyon, paggamit at/o pagkakaroon ng
de-langhap na mga kemikal.
May mga batas din sa ilang estado ng Estados Unidos na nagbabawal sa panlibang na paglanghap ng nitrous oxide.
May ilang komunidad sa Kanlurang Australia at Timog Australia na nagpasa ng lokal na mga batas na nagdulot sa pagsinghot ng petrol na maging paglabag sa batas. Sa Victoria at Kanlurang Australia, ang mga pulis ay may pahintulot na kapkapan ang isang taong makatwirang pinaniniwalaang may hawak na de-langhap at kumpiskahin ito.
Sa Inglatera at Wales, ilegal para sa mga nagtitindang magbenta ng mga bagay na sumisingaw sa kahit na sinong mas bata sa 18 taong gulang kung may dahilan para paniwalaang gagamitin nila ito para sa pagsinghot at para malango.