Basahin: Mga Epekto ng Mga De-langhap
MGA EPEKTO NG MGA DE-LANGHAP
panandaliang mga epekto
Karamihan sa mga de-langhap ay direktang nakaaapekto sa nervous system (sistema ng nerbiyos) para makalikha ng mga epektong nakapagpapabago sa isipan. Sa loob ng ilang segundo, ang gumagamit ay nakararanas ng pagkalango at iba pang mga epektong katulad ng sa alkohol. Maraming iba’t ibang epektong maaaring maranasan habang at pagkatapos kaagad ng paggamit, kabilang na ang:
- Hindi malinaw na pananalita
- Lasing, hilo o litong anyo
- Walang kakayahang pagtugmain ang mga galaw
- Mga guni-guni at mga delusyon
- Kasamaan
- Apatiya
- Napahinang pagpapasya
- Kawalan ng malay
- Matitinding sakit ng ulo
- Mga butlig-butlig sa paligid ng ilong at bunganga
- Ang matagalang pagsinghot ng mga kemikal na ito ay maaaring magdulot ng iregular at mabilis na tibok ng puso at humantong sa pagkasira ng puso at kamatayan sa loob ng ilang minuto.
- Ang kamatayan dahil sa hindi makahinga ay maaaring mangyari sa pamamagitan ng pagpapalit ng oksiheno sa baga ng kemikal, at pagkatapos sa loob ng central nervous system, at titigil ang paghinga.
pangmatagalang mga epekto
Ang mga gumagamit nang matagalan ay nakararanas ng:
- Panghihina ng kalamnan
- Pagkalito
- Kakulangan ng koordinasyon
- Pagka-iritable
- Matinding kalungkutan
- Seryoso at paminsan-minsang hindi na magagamot na pinsala sa puso, atay, mga bato, mga baga at utak
- Pagkasira ng memorya, pagkabawas ng katalinuhan
- Pagkawala ng pandinig
- Pagkasira ng utak ng buto
- Kamatayan dahil sa pagbigay ng puso o asphyxiation (pagkawala ng oxygen)
Ang matagalang paggamit ng mga de-langhap ay naiugnay sa ilang seryosong mga problema sa kalusugan. Ang pagsinghot ng glue at paint thinner ay nagdudulot ng mga problema sa bato. Ang pagsinghot ng toluene at iba pang mga solvent ay maaaring magdulot ng pinsala sa atay. Ang pag-abuso sa de-langhap ay nagresulta rin sa pagkasira ng memorya at pagkabawas ng katalinuhan.