Basahin: Bakit Talagang Nakaka-adik Ang Cocaine?
BAKIT TALAGANG NAKAKA-ADIK ANG COCAINE?
Sunod sa methamphethamine,1 ang cocaine ang lumilikha ng pinakamatinding sikolohikal na pagkahumaling kumpara sa anumang ibang droga. Pinasisigla nito ang mahahalagang mga sentrong pangkasiyahan sa utak at nagdudulot ng pambihirang napatinding kasiyahan.
Madaling nagkakaroon ng toleransiya sa cocaine—hindi magtatagal ay mabibigo ang adik na makamit ang parehong high na unang nararanasan mula sa parehong dami ng cocaine.
Mapanganib na kombinasyon ng mga droga
Ang cocaine ay minsang ginagamit kasama ng ibang droga, kabilang na ang mga tranquilizer, amphetamine,2 marijuana and heroin. Ang ganoong mga kombinasyon ay nakapagpapalaki sa panganib ng paggamit ng cocaine. Karagdagan sa posibilidad na makalikha ng gawi sa paggamit ng dalawang klase ng droga, puwede kang makalikha nang madali ng halo ng mga narkotiko na talaga namang nakamamatay.
“Wala na akong hinaharap. Hindi ko nakita kung paano ko matatakasan ang pagkahumaling ko sa cocaine. Naligaw na ako ng landas. ‘Sumasabog’ ako at hindi ko mapigilan ang sarili ko mula sa patuloy na pag-abuso sa cocaine nang matindi. Mayroon akong mga guni-guni na may mga hayop na gumagapang sa ilalim ng balat ko. Nararamdaman ko sila bawat beses na nagtuturok ako at kinakatkat ko ang sarili ko gamit ang tulis ng karayom hanggang sa magsimula na akong magdugo para lamang maalis ang mga ito. Minsan ay napakatindi ng pagdurugo ko dahil dito at kinailangang isugod ako sa ospital.” —Susan